Featured Post

Isang Lola Na Humingi ng P5.00 Sa Isang Grab Driver Para Makabili Ng Kaniyang Almusal, Humabag Sa Mga Netizens


Marami ang naantig at naluha sa makabagbag damdaming engkwentro na ibinahagi ng isang Grab delivery rider tungkol sa isang 83 taong gulang na matandang babae.

Ayon sa vlogger at Grab rider na si Denso Tambyahero, may bigla umanong matandang babae na lumapit sa kaniya at nanghingi ng P5.00 para makabili ng pagkain dahil hindi pa ito kumakain. 

Sa labis na awa ni Denso sa kalagayan ng matanda, hindi na siya nagdalawang isip pa na bigyan ito ng P500 at isang lata ng biscuit.


Ayon kay Lola, mag-isa na lamang siyang naninirahan sa kanilang bahay matapos puman4w ang kaniyang mahal na asawa. Ang kaniyang mga anak naman ay iniwan na siya kaya wala na siyang katuwang sa buhay at umaasa na lamang siya sa mga limos at pagkain na nahihingi sa mga tao sa kalsada.

Nang ipahahatid na ni Denso sa tricycle si Lola, sinabi ng tricycle driver na kilala niya ang matanda at malapit lamang ang tinitirhan nito sa kanilang bahay. Gayunpaman, sinundan pa din ni Denso ang matanda dahil sa pag-aalala dito.


Inabutan niya si Lola na nakaupo habang binubuksan ang biscuit na kaniyang bigay at mayroong kausap na kapitbahay.

Kaagad na nilapitan ni Denso ang lola at ang lalaki para kausapin ang mga ito. Doon ay napag-alaman niya na Mary pala ang pangalan ni Lola at ito ay mayroong mga anak.

Labis ang pasasalamat ni Lola Mary sa tulong na ibinigay ng Grab driver. Sinabi pa ng matanda sa kaniya na siya nawa ay pagpalain pa ng Panginoon at ipagdarasal niya ito.

Ayon kay Lola Mary, may mga tao din na nagbibigay ng tulong sa kaniya at ipinagdarasal niya ang mga ito sa simbahan.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang nahabag sa kwento ni Lola Mary matapos mapanood ang vlog ni Denso tampok ang matanda.

Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:

"Wawa nman walang kwentang mga anak and isipin mo nlang hindi ka naging tao kung wala siya."

"Nadur0g ang puso ko ng makita ko ganyan si Lola. Sana naman sa mga anak nya pangalagahan niyo mga magulang niyo."

No comments