Featured Post

Isang Ama, Matiyagang Tinutulak At Sinasamahan Ang Kaniyang 50-anyos Na Anak Sa Pag-aapply Ng Trabaho


Ibinahagi ng isang head teacher sa isang pampublikong paaralan ang tungkol sa ama na labis ang suporta sa kaniyang anak na naghahanap ng trabaho sa kabila ng kapansanan nito.

Maraming netizens ang naantig at naluha sa kwentong ibinahagi ni Zaldy Ordiales Bueno tungkol mag-ama na nakasama niya sa isang job interview.

Ayon sa 50-anyos na aplikante na si Edwin Garin mula sa Atimonan, nahinto siya sa kaniyang pag-aaral mula nang siya ay maaksid3nte kaya naman nitong taong 2019 lamang niya natapos ang kaniyang pag-aaral.


Aniya,

“Na delay po ang pag-aaral ko dahil sa aks1dente kaya naka wheelchair po ako. Buti na lang, nakapag-ALS ako noong 2014 at nakapasa sa test at naka graduate ng high school noong 2015.”

Dagdag niya,

"Nag college po ako sir para matupad ang pangarap ko. Nag education po ako at nakapasa sa LET noong 2019. Kaya sumusubok po ako ngayong mag-apply para makatulong sa magulang.”


Saad pa ni Edwin, anim na taon na siyang sinasamahan at matiyagang tinutulak ng kaniyang 75-anyos na ama kaya naman ang tanging nais lamang niya ay masuportahan at matulungan din ang kaniyang mga magulang.

Maliban dito, kasama din niya itong umaasa na siya ay magiging ganap na guro balang araw.

Dahil sa nakakaantig na kwento ni Edwin at sa kaniyang dedikasyon, lalo na sa pagtulong sa kaniyang magulang, personal na inirekomenda ni Zaldy ang pangalan ni Edwin sa ibang mga paaralan na naghahanap ng punung guro ngayon.

Paalala pa ni Zaldy sa publiko,

"Sa mga kabataang malalakas pa sa kalabaw?"

"At wala namang mga kap4nsanan,"

"Sino tayo para sumuko?"

"Sino tayo para bumitaw?"

"Na sa mga hamon ng BUHAY,"

"Sino tayo para umayaw?”


Minsan ay sadyang malungkot at masaklap ang buhay ngunit kung ito ay lalagyan natin ng tiyaga, tibay ng loob, at sipag ay tiyak na ikaw ay magtatagumpay.

No comments