Featured Post

Gerald Anderson At Julia Barretto, Muling Pinakilig Ang Kanilang Mga Fans Sa Kanilang Getaway Trip


Muli na namang pinakilig nina Gerald Anderson at Julia Barretto ang kanilang mga fans sa vlog na in-upload ng aktor sa kaniyang YouTube channel tampok ang nangyari sa kanilang getaway trip kasama ang kanilang mga kaibigan at pamilya ni Julia.

Sa vlog na in-upload ni Gerald noong Linggo, Hulyo 21, 2021, makikita ang masaya at sweet na getaway ng magkasintahan. Kapansin-pansin din ang saya at kagalakan sa mukha nina Gerald at Julia.

Gayunpaman, marami sa mga netizens ang nakapansin ang maganda at tila pagiging malapit ni Gerald sa pamilya ni Julia, lalo na sa ina ng aktres na si Marjorie Barretto at kapatid na si Erich.



Ani Gerald,

"We’re going to be sailing the high seas of Subic Bay! The not-so-high seas.

"[The weather’s] not so good pero okay na rin kasi mahangin."

Makikita sa video na namingwit pa ang magkasintahan ng mga isda, nagpahinga sa yate, at nag-swimming sa karagatan. Samantala, ipinapakita naman nina Marjorie at Erich ang mga isda na nahuli para sa araw na iyon.



Ipinakita din ng aktres ang ilang parte ng yate na kanilang ginamit para sa kanilang trip at sinabi na ang nasabing yate din ang kanilang ginamit noong sila ay pumunta sa Zambales.

Sambit ni Gerald,

"[It's a] nice spot, pwedeng mag-chill and relax. We're out here, just enjoying."

Samantala, nagbigay kilig naman sa mga fans nina Julia at Gerald ang ginawang paghalik ng aktor sa pisngi ni Julia.

Kalaunan ay umani din ng iba't ibang komento at reaksyon mula sa mga netizens ang weekend getaway trip vlog ng magkasintahan.

Matatandaan na naging kontrobersyal ang dalawa nang masangkot si Julia sa hiwalayan nina Gerald at Bea Alonzo.

At ngayong taon lamang ay kinumpirma ni Gerald ang kaniyang relasyon kay Julia sa isang tell-all interview sa kaniya ng TV host na si Boy Abunda.

No comments