Featured Post

Dingdong Dantes, Sinurpresa Ng Magandang Party Ang Misis Na Si Marian Rivera Sa Pagdiriwang Nito Ng Ika-37 Kaarawan


Ipinagdiwang ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang kaniyang ika-37 kaarawan nito lamang Agosto 12.

Gayunpaman, sa kabila ng umiiral na community quarantine sa ilang lugar sa Pilipinas, ginawa pa ding espesyal ng aktor na si Dingdong Dantes ang kaarawan ng kaniyang mahal na asawa.

Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ng Kapuso Primetime King ang intimate birthday celebration na inihanda niya para kay Marian.

Ang pagdiriwang ng kaarawan ng aktgres ay ginanap lamang sa kanilang bahay, gayunpaman bakas pa din ang saya sa mukha ng aktres dahil kasama niya ang kaniyang pamilya sa kaniyang kaarawan. 


Makikita nga sa mga larawan na ibinahagi ni Dingdong na sumisigaw ng 'class' at karangyaan' ang birthday party ni Marian kagaya niya. Kagaya na lamang ng venue decoration, napakagandang table setup, at maging ang birthday cake ng aktres. Sinigurado talaga ng event organizer na kinuha ni Dingdong na si Teddy Manuel na magiging perfect ang birthday party ni Marian.

Saad ni Dingdong sa caption ng kaniyang Instagram post,

"Basta't gusto (at withing ECQ guidelines) may paraan. At kahit tayo-tayo lang - pwede naman."

Makikita din ang youthful look at ageless beauty ni Marian, lalo na sa kaniyang eleganteng outfit na white jumpsuit. 


Maging ang kanilang mga anak na sin Zia at Baby Sixto ay all-smiles din sa mga larawan.

Samantala, may nakakakilig na tula naman na isinulat si Dingdong para kay Marian bilang birthday message niya dito. Sa nasabing tula ay inihayag niya ang labis na pagmamahal niya para sa kaniyang mahal na asawa.

Saad niya,

"'Marimar' ang programa kung saan una ko siyang nakilala at ang tawag ko noon sa kaniya'y suplada pero ngayon, katorseng taon na ang nakalipas mahal na ang tawag ko sa kaniya."

Dagdag pa ng aktor,

"Maligayang kaarawan sa mestizang Cavitena, Salamat sa Kanya at may isang Marian Rivera. oops, Misis Dantes na pala."


Pahayag naman ni Marian sa kaniyang Instagram post,

"Thankful for 37 years of life, I am filled with gratitude for all of you and for all the blessings."

Saad niya sa hiwalay na post,

"What I am most thankful for everyday, the gift of family. Maraming Salamat Ama."

No comments