Featured Post

Dalawang Teenager, Aksidenteng Natagpuan Ang Isang Garapon Na Naglalaman Ng 1,100 Year-old Gold Coins


Lahat sa atin ay siguradong nakakita o nakaranas na ng mga bagay na ating hindi inaasahan na mangyayari sa ating buhay kahit isang beses. Ito ay madalas na mangyari sa mga oras na hindi natin inaasahan. Kagaya na lamang ng dalawang teenagers na ito mula sa Israel na talagang ikinagulat nila ang kayamanang hindi nila inaasahang makikita.

Ayon sa CNN, ang dalawang teenagers ay um-attend noon sa pre-military national service sa kanilang lugar nang makita nila ang isang lumang garapon. Noong una, akala nila ay mga maninipis na dahon lamang ang nakalagay sa loob ng nasabingg garapon.

Saad ng isa sa mga teenager na nakakita ng garapon na si Oz Cohen, naghuhukay umano siya noon nang mapansin niya ang isang bagay. Dala ng kuryosidad, naisip niyang ipagpatuloy ang paghuhukay. Matapos mahukay ang buong garapon ay nakita nila ang mga lumang gold coins na lamang nito.



Ayon sa mga ipinadalang representative ng Israel Antiquities Authority (IAA) upang pag-aralan ang mga ganitong uri ng barya, umaabot umano sa 425 gold coins ang laman ng garapon at lahat ito ay gawa sa 24-karat gold. Tinatayang nasa 845 grams ang lahat ng barya.

Ayon sa coin expert mula sa IAA na si Robert Kool, mula pa umano sa 9th century ang mga gold coins na natuklasan ng dalawang teenagers. 


Sinasabi din na ang lahat ng mga gold coins ay gawa sa purong ginto. Dahil nasa perpektong kalagayan ang mga gold coins at hindi masiyadong na-expose sa hangin, ito ay parang bago pa at tila kababaon lamang.

Dagdag ng mga eksperto, marahil plano umano ng mga nagbaon ng coins 1,100 taon na ang nakakalipas na balikan ang garapon dahil ito ay nakapako pa sa para hindi magalaw. 


Ayon sa director ng IAA, ang ganitong uri ng kayamanan ay madalang na lamang makita ngayon dahil isa ang gold sa mga ginagamit ng mga nakaraang sibilisasyon bilang pera.

No comments