Featured Post

Dalaga, Ipinakasal Sa Isang Matandang Mayaman, Hindi Siya Makapaniwala Sa Tunay Na Katauhan Nito


Sa bansang China sa isang mahirap na bayan, mayroong isang mahirap na mag-asawa, sina Aling Marta at Mang Tasio. Pangingisda lamang ang hanapbuhay ng kanilang pamilya at pagtatanim ng palay. Sinikap ng mag-asawa na pag-aralin ang kanilang mga anak. 

Ngunit dahil kapos sa pinansyal ang mag-asawa, nahirapan silang tustusan ang pag-aaral ng dalawa nilang anak. Pero dahil sa angking talino ni Dianne ay nakuha siya bilang scholar ng kanilang paaralan at itinuloy ang pag-aaral hanggang sa kolehiyo. Nang makatapos si Dianne ay mabilis siyang nakahanap ng trabaho. Ngunit sa edad na 25 ay hindi pa din nag-aasawa ang dalaga. Bawat nobyo na kasi ay iniiwan siya dahil lamang sa estado ng buhay ng kanilang pamilya.

Hanggang sa isang araw ay ikinagulat ng mag-asawang Marta at Tasio ang hindi inaasahang insidente na makapagpapabago ng kanilang buhay. Isang 60-year-old na matandang lalaki na nagngangalang Edward Chua ang dumating at bumisita sa kanilang tahanan at nagbigay ng hindi kapani-paniwalang alok sa mag-asawa. Gustong pakasalan ni Edward ang nag-iisang anak na dalaga ng mag-asawa at bilang kapalit nito ay ipapamana ng matanda ang lahat ng kaniyang ari-arian at negosyo kay Dianne. Susuportahan din niya ang pangangailangan nito at ng pamilya nito.

Hindi makapaniwala ang mag-asawa sa alok ng matanda. Tuwang tuwa sila at agad na pumayag na ipakasal ang kanilang anak na babae kapalit ng yaman at kayang ibigay ng matanda sa kanila. Matapos silang mag usap usap ay umalis si Edward. Kaagad naman ibinalita ni Aling Marta at Mang Tasio kay Dianne ang lahat ng napag-usapan nila ng matandang lalaki at ang planong ipakasal siya sa matanda.

Nagulat si Dianne sa sinabi ng kaniyang magulang. Sa isip niya ay hindi man lamang siya pinagdesisyon para sa kaniyang sarili. 

Ngunit mas ikinagulat ni Dianne noong nalaman niya kung gaano kayaman ang matandang lalaki at ang kayang ibigay nito sa kanilang pamilya. Napaisip si Dianne na ito na ang solusyon para makaahon sila sa kahirapan. Nang nakausap ni Dianne si Edward ay binigyan siya nito ng isang linggo para makapag-desisyon at umatras bago sila ikasal. Nalulungkot si Dianne sa kaniyang magiging kapalaran kasama ang isang matandang lalaki.

Ngunit dahil labis ang pagmamahal niya sa kaniyang magulang ay pumayag na din siya. Kinabukasan, si Edward ay nagpagawa ng malaking bahay para sa mga magulang ni Dianne at ibinigay ang lahat ng pangangailangan ng kaniyang pamilya. Tinulungan din ni Edward ang kapatid ni Dianne. Binigyan niya ng mga magagarang kasuotan at mamahaling kotse ito.

Makalipas ang ilang araw, tulad ng usapan ay nanirahan si Dianne kasama si Edward sa isang malaking mansion upang makilala nila ang isa't isa. 

Noong una ay hindi nagsasalita ang dalaga at bakas ang kalungkutan sa kaniyang mga mata. Pero nagulat si Dianne sa respeto na ibinigay sa kaniya ng matanda. Sa gabi, natutulog si Edward sa sala habang si Dianne naman ay natutulog sa malambot na kama sa kwarto. Lagi ding ipinagluluto ni Edward si Dianne at ibinibigay ang lahat ng naisin nito.

Lumipas ang mga araw, wala ng bakas ng lungkot sa mga mata ni Dianne. Lagi na din silang nagkukwentuhan ni Edward at nagtatawanan. Tuwing hapon, sinasamahan ni Dianne si Edward sa kaniyang silid-aklatan upang magbasa ng mga libro. Namamangha si Dianne dahil kahit matanda pa ito ay kaya pa niyang magbasa at magaling din ang kaniyang memorya. Habang tumataga ay unti-unting nararamdaman ni Dianne na mahal na niya ang lalaki. Hindi dahil mayaman ito kundi dahil nararamdaman niya na may respeto ito sa kaniya at ramdam niya na mahal din siya nito.

Sumapit ang ilang linggo ay tinanong ni Edward kung ano ang desisyon ni Dianne. Walang alinlangan na um-oo si Dianne sa alok na pagpapakasal sa kaniya ni Edward. Masayang masaya si Edward at pinagpahinga na si Dianne upang makapaghanda ito kinabukasan para sa kanilang kasal.

Kinabukasan sa simabahan ay namangha si Edward sa ganda ni Dianne suot ang puting gown. Unti-unting lumalakad si Dianne papalapit sa altar kung saan nakatayo si Edward suot naman ang kaniyang magarang barong. Ibinigay ni Mang Tasio ang kamay ni Dianne kay Edward at sabay na naglakad papunta sa altar. 

Si Dianne at Edward ay nagsumpaang magmamahalan sila sa hirap at ginhawa. Matapos ang kasal ay nagtungo sila sa motel upang sila ay mag-honeymoon. Natatakot si Dianne sa kung ano ang pwedeng mangyari sa kanilang dalawa dahil wala pa itong karanasan sa mga ganitong bagay.

Unang nagtungo si Edward sa banyo upang mag-shower. Si Dianne naman ay nagbibihis muna saka uminom ng kaunting wine. Isang oras na at hindi pa lumalabas si Edward sa banyo. Nag-aalala na si Dianne kung ano na ang nangyari kay Edward sa loob. Kaya tumayo siya at nagtungo sa banyo. 

Nang bubuksan na sana ni Dianne ang pintuan ng kwarto, laking gulat niya dahil bumukas ito at tumambad sa kaniya ang isang makisig at gwapong binata. Gulat na gulat si Dianne at tumakbo papunta sa kama at nagtalukbong ng kumot.

Tumawa ng malakas ang binata at nagtaka si Dianne dahil kaboses ng binata si Edward. Tinanong niya ito kung nasaan si Edward. Ngunit laking gulat niya ng malaman na si Edward at ang binata ay iisa pala.

Ipinaliwanag ni Edward kay Dianne ang lahat. Nagpanggap lang na matanda si Edward upang subukin ang magiging reaksyon ni Dianne. Matagal ng sinusundan ni Edward si Dianne. Siya ang nagbigay ng scholarship sa kaniyang kolehiyo ng hindi niya nalalaman. Sa kaniya din ang opisina na pinagtatrabahuhan ni Dianne.

Ikinuwento din ni Edward ng makita niya si Dianne at nakilala ay mas lalo pa siyang napaibig sa dalaga dahil na din sa kabutihan ni Dianne at pangarap niya sa kaniyang pamilya.

Niyakap ni Dianne si Edward at hinalikan sa pisngi. Nagpasalamat din siya dito sa lahat ng naitulong sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Bukal ang pagmamahal ni Dianne kay Edward kahit ito ay nagpanggap na isang matanda.

Sinabi din ni Dianne, noong una ay pera lang ang habol niya kay Edward ngunit unti-unti ay natutunan din niya na mahalin ito. Noon pa lamang ay ramdam na ito ni Edward at mula noon ay nagmahalan sila at namuhay ng payapa.

Ang respeto at pagiging matapat ay ang pinakamahalagang bagay tungo sa isang magandang relasyon sa pag-ibig. Ngunit minsan ay hindi maiiwasan na ikumpara natin ang edad sa isa't isa at nakakalimutan natin na ang edad ay numero lamang. Pero ang totoo hangga't mayroong isang tunay na pag-ibig at pangako sa isa't isa, 'yun ang mas mahalaga para tayo ay maging masaya kasama ang taong pinili natin na makasama habang buhay.

No comments