Featured Post

Binata, Minaliit At Binasted Dahil Sa Pagiging Kargador, Ginulat Ang Lahat Sa Naging Trabaho Nito Matapos Ang 12 Taon


Madaling araw pa lamang ay gumigising na si Dino para pumasok sa trabaho. Kargador siya sa palengke na malapit lang din sa kanila. Bata pa lamang ay ulila na siya kaya naman maaga siyang natutong kumayod para sa sarili. Hindi din siya tinulungan ng kaniyang mga kamag-anak dahil sa matapobre ang mga ito. Pagkatapos naman ng trabaho, mabilis na nagbibihis siya ng uniporme para pumasok naman sa eskwelahan. Nasa huling taon na siya ng high school. 

Ganoon ang naging panga raw araw na niyang gawain - kargador sa madaling araw at estudyante naman sa umaga hanggang hapon. Pagpasok sa eskwelahan ay nakasabayan pa niya si Carla, ang babaeng matagal na niyang tinatangi kasama nito ang kaibigan nitong si Rizza. 

"Hi Carla," masiglang bati niya dito.

Napansin niya ang bahagyang pagkailang sa mga mata ng dalaga nang makita siya. Simpleng 'hi' lamang ang naging tugon nito.

"Pwede ba kitang ayain na makasayaw sa senior's prom?" Tanong niya dito.

"Eww. Don't tell me Carla na papayag kang maisayaw ng kargador na iyan," nakataas ang kilay na sabi ni Rizza. Bulong lamang iyon ngunit hindi iyon nakaligtas sa kaniyang matalas na pandinig.

"Sorry pero hindi pwede, eh," sabi ni Carla saka hinila si Rizza saka dumiretso ng lakad.

"Ha, sa tingin mo ba uubra yang pag porma mo kay Carla?" Natatawang sabi ng lalaki sa likuran niya. Nabaling ang tingin niya sa nagsalita, iyon ay walang iba kundi si Roi, ang pinsan niya. Anak ito ng tita Mira niya, kapatid ng kaniyang ama.

Mula pagkabata ay palagi na siya nitong binubu11y kesyo mabaho at kargador lamang siya.

"Doon ka sa palengke maghanap ng liligawan baka sakaling may sasagot sa hamak na kargador na kagaya mo," nakatawang sabi nito na sinegundahan din ng mga kasama nito tsaka dumiretso ang mga ito ng lakad.

Kinabukasan, nagtungo siya sa isang mall sa bayan. Gamit ang naitabing pera ay namili siya ng damit na gagamitin para sa senior's prom mamayang gabi. Nahagipan ng tingin niya sina Roi at mga kaibigan nito. Umiwas na lamang siya nang sa ganoon ay hindi na sila magpang abot pa. Dumaan muna siya sa flower shop upang bumili ng bulaklak bago umuwi.

Kinagabihan, malilikot na ilaw at nakabibinging tugtugan ang unang sumalubong sa kaniya. Pagpasok pa lang sa venue kung saan gaganapin ang sernior's prom, hinanap kaagad ng paningin niya si Carla mula sa mga estudyanteng nagsasayaw sa gitna. Nang makita ang taong pakay, nilapitan niya ito at sa nanginginig na kamay ay iniabot niya dito ang dala-dalang mga bulaklak.

"Pwede ba akong manligaw?" Lakas loob na tanong niya sa dalaga.

Pangangantyaw kaagad ang narinig niya mula sa katabing mesa kung saan naroroon sina Roi at mga kaibigan nito gayundin si Rizza.

"Don't tell me na papayag kang magpaligaw sa lalaking 'yan, Carla?" May pangungutyang sabi ni Rizza saka lumapit sa kanila.

"Of course not," sabi ni Carla na ikinabigla niya. Mula sa kinauupuan ay tumayo ito at saka pabagsak na itinapon sa basurahan bulaklak na ibinigay niya.

"Ano bang akala mo? Na papatol ako sa kagaya mo? Hindi ako pinag-aral at ginastusan ng magulang ko para lang makapag-nobyo sa isang hamak na kargador na kagaya mo. Masyado kang ilusyunado." Nakairap na sabi nito tsaka lumakad palayo sa kaniya. Nakita pa niya ang mga nakangising kaibigan ni Roi gayundin si Roi na naiiling na nagpunta sa gitna para sumayaw.

Naiwan siyang hiyang hiya sa nangyari. Ramdam niya ang mga tinginan ng ilan sa mga kaklaseng nakarinig at nakakita sa ginawang pangba-basted sa kaniya ni Carla. Naiiyak na umuwi na lamang siya. Sanay na siyang kutyain at hamakin pero masakit pala ang ma-basted at ipahiya ng taong minahal mo.

Ang naging pangyayaring 'yon ang nagpursige sa kaniya na ayusin ang buhay. Matapos ang graduation, nilisan niya ang bayan na iyon.

"Uy, Carla. Bukas na ang alumni natin. Wag kang mawawala dun, ha?" Sabi sa kaniya ng kaibigang si Rizza. Kasalukuyan siyang nage-encode sa mga oras na iyon, pareho silang natanggap ni Rizza bilang encoder sa isang kumpanya.

"Balita ko ngayong alumni na ito ay kumpleto tayong magkakaklase. Aattend daw si Dino, remember yung kargador na nanligaw sayo?"

 12 years na din ang nakakalipas mula nang umalis ito pagkatapos ng graduation at hindi na nagpakita pa.

"Just wondering kung ano kaya ang buhay noon ngayon? Pero I'm sure na hindi iyon nakatapos ng pag-aaral. Wala pa akong nakikilalang kargador na nakatapos ng kolehiyo. Once a kargador, always a kargador," sabi nito na halata ang pangungutya sa tinig. 

Hindi niya pinansin ang pangungutya ng kaibigan, wala na din sa trabaho ang isip niya kundi sa lalaking pinahiya at binasted niya noon. Mula noong gabing pinahiya niya ito ay hindi na ito lumapit pa sa kaniya. Gusto niyang lapitan ito noon pero gumagawa ito lagi ng paraan para makaiwas sa kaniya. Hindi niya gustong bastedin ito at maliitin. Nadala lamang siya ng pangangantyaw ng mga kaibigan kaya niya nasabi iyon. Hindi din siya nagkaroon ng nobyo mula noon dahil alam niya sa sarili niya kung sino talaga ang lalaking iniibig.

Pagsapit ng alumni, kani-kaniyang pwesto ang mga kaklase nila. Tawanan at kwentuhan ang unang ginawa. Hinanap kaagad ng tingin niya ang taong matagal na niyang hindi nakikita.

"Ayan na pala si Dino," sabi ng isa sa dating kaklase niya.

Paglingon, matinding pagkabog kaagad ng dibdib ang naramdaman niya. Nandoon si Dino sa may gate at naglalakad papalapit sa kanila. Gwapo na ito dati pero mas lalong gumwapo ito ngayon. Bonus pa ang pagiging makisig nito ngayon. Nagkamustahan ang mga ito. Pero siya, hindi niya maialis ang tingin sa binata ngayon na nasa harap niya. Bahagya lang itong tumingin sa kaniya tsaka tumango at ibinalik muli ang tingin sa mga lalaking kausap.

"Ano ng trabaho mo ngayon? Kargador pa din ba?" Nakataas kilay na tanong ni Rizza kay Dino. Ngumiti lang ito sa tanong ni Rizza. 

"Engineer na itong si Dino," pagmamalaking sabi ng teacher nila. 

"Siya nga pala ang engineer ng kapatid kong seaman. Napakaraming magagandang bahay na ang nagawa nitong si Dino," nakangiting sabi pa ng teacher nila.

Kunong noong sagot ni Roi na nandoon din, "Paanong nangyari 'yun? Eh, kargador ka lang naman dati tapos ngayon engineer ka na?"

Samantala, si Roi naman ay isa na lang tindero sa pwesto na pagmamay-ari ng ina sa palengke dahil sa pagiging tamad at hindi nakatapos ng pag-aaral.

"Hindi porket kargador ako dati ay mananatili na ako sa ganoong estado. Naging inspirasyon ko ang pangungutya ng ibang tao sa akin para makatapos ako ng pag-aaral at maging isang successful na tao." Sabi nito na nakatingin kay Carla.

Napahiya sina Rizza at Roi sa sinabi ni Dino. Marahil ay guilty ang mga ito dahil sa pangmamaliit na ginawa nila sa binata noon at ganoon din si Carla, ramdam niya ang poot sa mga mata ng binata habang nakatitig sa kaniya.  Napayuko si Carla tsaka tahimik na naglakad palayo.

Pinapaalala sa atin ng kwentong ito na huwag magutya ng iyong kapwa. Hindi habang buhay ay isang hamak lamang ang isang tao. Huwag ding gawing criteria sa pagmamahal ang estado ng buhay ng isang tao. Matuto tayong maging mapagkumbaba at huwag mang apak ng kapwa. Tandaan na ang buhay ay parang gulong, kung nasa itaas ka ngayon baka bukas ay nasa ibaba ka na.

No comments