Featured Post

Bea Alonzo, May Sagot Sa Paghingi Ng Tawad Ni Gerald Anderson Sa Kaniya


Inihayag ni Bea Alonzo ang kaniyang saloobin tungkol sa pahayag ng dating boyfriend na si Gerald Anderson kaugnay sa kagustuhan nitong humingi ng tawad sa dating girlfriend kasunod ang kontrobersyal na pahayag ng malapit na kaibigan na si Janus del Prado.

Sa sa kaniyang "Level Up" interview sa Radyo Katipunan with Noel Ferrer, sinabi ni Bea na hindi lamang ito tungkol sa paghingi ng tawad sa kaniya kundi sa pananagutan din ng aktor sa nagawa sa kaniya.

Aniya,

"Ang plastik ko naman kapag sinabi kong napatawad ko na siya. It’s not about asking for forgiveness, it’s taking accountability and being responsible for your actions. Let’s just leave it at that."


Naghayag din ng saloobin si Bea tungkol sa mga pahayag ng kaniyang kaibigan na si Janus del Prado laban sa isang "G" na sinasabi ng karamihan na ang tinutukoy ni Janus ay si Gerald.

Saad ng aktres, nauunawaan niya ang reaksyon ng kaniyang kaibigan dahil ito ay protective lamang sa kaniya. Sinabi din niya na kahit siya ay makikipaglaban para sa kaniyang mga kaibigan.


Saad ni Bea,

"Nagtataka rin ako bakit 'di pa rin natatapos. Probably because my friends are very protective of me. I love them. Lumaki kami nang magkakasama. At itong mga kaibigan ko, nasasaktan sila kapag nakakarinig ng mga bagay concerning me."

Dagdag pa niya,

"They tend to be protective of me and they speak for me. Kasi kaya ko ring makipagpatayan sa mga friends ko, and I guess it goes both ways. Siguro kung wala silang bagay na naririnig, wala rin silang bagay na sasabihin."

Sa kabilang banda, napag-usapan din ang tungkol sa relasyon niya kay Dominic Roque. 

Paglalahad ni Bea,

"He was there all along as a friend. Barkada kami. And hindi naman na kami mga bata. The good thing there is that merong nag-aalaga sa akin. At may integration ang aming mga pamilya. Napapasaya niya ako. I hope napapasaya ko siya and we’re trying to bring out the best in us."

Dagdag pa niya,

"Hindi ako nagmamadali. Hindi na rin ako aayon sa expectations at timetable ng ibang mga tao. We are happy and we are enjoying it!"

No comments