Featured Post

Batang Babae, Nagsilbi Ng Ina Sa Kaniyang Apat Na Nakababatang Kapatid


Sa edad na taong gulang gulang, isang malaking gampanin na ang kinakahrap ng batang babae na ito dahil sa kasalukuyan siya ang nag aalaga sa kaniyang apat na nakababatang kapatid at sa kaniyang ina na may iniindang karamdaman.

Ang batang babae ay kinilalang si Jenny Barobo. Siya ang siyang nag-aalaga sa kaniyang mga nakababatang kapatid at sa kaniyang ina na may s4kit dahil ang kaniyang ama ay nagtatrabaho sa laot.

Bukod pa diyan, si Jenny na din ang gumagawa ng ilang mga gawaing bahay kagaya na lamang ng pagpapaligo sa kaniyang mga kapatid at pagwawalis sa kanilang tahanan. Kahit pa man minsan ay nahihirapan sa kaniyang sitwasyon, masaya pa din si Jenny sa kaniyang ginagawang pag-aalaga sa kaniyang mga kapatid at ina dahil siya ay nakakatulong sa kaniyang mga magulang.

Ani Jenny,

"Nahihirapan din po. Masaya ako na natutulungan si Mama."

Ang tanging hiling lamang ni Jenny ay sana gumaling na ang kaniyang ina mula sa karamdaman na iniinda nito para sila naman ang alagaan nito.

Aniya,

"Ang gusto ko lang sabihin ay magpagaling at ingatan ang sarili niya, para kami naman ang alagaan niya."

Maraming netizens ang naantig at nagpahayag ng kanilang paghanga kay Jenny dahil sa murang edad nito ay alam na niya kung paano niya tutulungan ang kaniyang mga magulang. Marami din ang pumuri sa kaniya dahil kahit pa man minsan ay nahihirapan na sa ginagawa, hindi siya nagreklamo bagkus ay buong puso pa din siyang tumutulong sa kaniyang mga magulang at inaalagaan ang kaniyang mga kapatid at ina.

Tunay nga na kamangha mangha ang kabutihang ipinapakita ni Jenny. Nawa'y maging isang inspirasyon at kapulutan ng aral ng mga tao ang kwento ni Jenny na kahit maagang namulat sa responsibilidad ay hindi nagreklamo bagkus patuloy pa din siyang gumagawa ng kabutihan sa kaniyang mga magulang kahit sa simpleng paraan lamang.

No comments