Featured Post

Babae Hindi Napigilan Na Maging Emosyonal Matapos Makakuha Ng Signal Para Sa Kaniyang Cellphone


Hindi na napigilan ng babae na ito na tubong Buhol na maging emosyonal dahil sa wakas ay nakakuha na ng signal ang kaniyang cellular phone.

Sa larawan na ibinahagi ni Ronald Ancero Casil sa kaniyang Facebook account, makikita ang isang babae na umiiyak habang nakatungtong sa isang malaking bato at hawak hawak ang kaniyang telepono.

Makikita din sa mga larawan na kahit pa man matindi ang sikat ng araw sa kaniyang pwesto ay hindi natinag ang babae bagkus ito ay matiyaga pa ding nakikipag-usap sa kausap nito mula sa kabilang linya.


Ayon sa babae, ang ganitong sitwasyon ay hindi na bago sa kanilang lugar, lalo na ang mga kagaya nila na naninirahan malapit sa kabundukan na malayo sa pinanggalingan ng mga signal. Kaya naman kinakailangan pa nilang makahanap ng maayos na pwesto upang sila ay makasagap ng signal nang sa gayon ay makatawag sila.

Kaya naman tanging hiling lamang ng mga tao na nakatira sa Catungawan, Guindulman, Bohol na sila ay magkaroon ng maasahan at mabilis na signal sa kanilang lugar para magkaroon sila ng maayos na komunikasyon mula sa kanilang mga mahal sa buhay na nasa malalayong lugar.


Marami sa mga netizens ang naawa at naantig sa kalagayan ng babae. Ramdam nila kung gaano kahirap ang sitwasyon nito, lalo na at tila malayo pa ito sa kaniyang pamilya.

Ang pagkakaroon ng malinaw at sapat na komunikasyon ay isa sa mga mahahalagang bagay sa panahon natin ngayon para ating makamusta at makausap ang ating mga pamilya na nasa malalayong lugar. Bukod pa diyan, malaking tulong din ito sa oras ng pangangailangan o emergency para mas mabilis makahingi ng tulong at para makapagbigay-alam din kaagad sa mga kinauukulan.


Sa post ni Ronald, hindi naman natukoy ang dahilan sa likod ng pagiging emosyonal at pag-iyak ng babae na nakikipag-usap sa ibabaw ng malaking bato.

No comments