Featured Post

Angelica Panganiban, May Rebelasyon Tungkol Sa Engagement Ring Ni Derek Ramsay Para Kay Ellen Adarna


Isang rebelasyon ang inihayag ng aktres na si Angelica Panganiban tungkol sa engagement ring ni Ellen Adarna kay Derek Ramsay.

Tototo nga kaya ang kwento na kumakalat ngayon tungkol sa engagement ring na suot ng aktres na si Ellen Adarna na bigay ng boyfriend na si Derek Ramsay na umano'y nagdaan na din sa mga naging ex-girlfriends ng aktor?

Ayon kasi sa usap-usapan ngayon, hindi na pala bago ang engagement ring na ibinigay ni Derek kay Ellen sa kanilang naging engagement dahil ang singsing pala na ito ay ang singsing na isinuot ng aktor sa mga nagdaang girlfriends niya na pinangakuang papakasalan o na-engaged din sa kaniya.


Base sa ilang kwento, nang pumutok umano ang balitang engagement nina Ellen at Derek, kaagad itong nakarating sa isa sa mga ex-girlfriend ng aktor na si Angelica Panganiban.

Natatawa lamang ang tanging reaksyon ni Angelica nang makita ang nasabing singsing dahil sa nakilala umano kaagad ito ng aktres. Tandang tanda din ni Angelica nang isuot din iyon ni Derek sa kaniyang daliri noon.


Ngayon dahil sa naging pambubuking na ito umano ni Angelica, napag-isip isip ng mga netizens na baka sa kauna-unahang girlfriend pa ni Derek nanggaling ang singsing o hindi kaya ay sa dating asawa ng aktor na si Mary Christine Jolly. May nagsasabi pa na baka ibinalik ng dating asawa ni Derek dito ang singsing matapos ang matagumpay nilang annulment noon. 

Samantala, sa naging panayam naman ni Derek, nilinaw ng aktor sa columnistang si Moly Alinio na walang katotohanan ang issue. Dagdag pa niya, ang naging relasyon niya noon kay Angelica ay hindi dumating sa punto na sila ay mae-engaged.

Sinabi din ng aktor na ang engagement ring ay hindi galing sa kaniyang ina o sa dating asawa dahil ito ay bago pa.

No comments