Featured Post

Angel Locsin, Inamin Na Nagba-back Out Siya Sa Mga Audition Noon Sa Tuwing Kasabay Niya Si Solenn Huessaff


Si Angel Locsin ay maituturing na isa sa pinakamahusay na aktres ng kaniyang henerasyon. Siya ay bumida sa mga teleserye na talaga namang hindi malilimutan kagaya ng 'Darna' at 'Mulawin' at mga box-office hit na pelikula kagaya ng 'One More Try' at 'The Four Sisters and a Wedding.'

Ngunit lingid sa kaalaman nating lahat na sa kabila ng kagandahan at husay ni Angel pagdating sa pag-arte ay naranasan din niya na panghinaan ng loob na mag-audition. Ang dahilan ay walang iba kung hindi ang kapwa niya aktres na si Solenn Huessaff.

Ayon kay Angel sa isang podcast interview sa kaniya ng Kapamilya actor-racer na si Matteo Guidicelli na 'MattRuns', hindi kailanman sumagi sa kaniyang isip na papasukin niya ang mundo ng showbiz at magiging isang artista. Pagbabahagi ng aktres, rumaraket lamang siya noon upang makatulong sa mga gastusin nila sa bahay.


Aniya,

"Naghahanap ako ng way para maka-contribute ako sa bahay. Isa akong batang raketera... Pero hindi sumasayad sa isip ko na pwede ako mag-artista, kasi sa pamilya ko wala namang showbiz."

Ibinahagi din ni Angel ang kaniyang karanasan at ang kaniyang nadarama noong siya ay nabigyan ng pagkakataon na mag-audition para sa isang TV commercial.


Pag-alala ng aktres,

"Pero may time na may sinamahan ako sa audition. Habang nag-aantay, pina-audition rin ako, 'Okay, nandito na rin ako.'"

Saad ni Angel, kahit pa man simpleng outfit lamang ang suot niya sa naturang audition na isang wrestling t-shirt, backpack, at cap, mayroon pa din siyang kumpiyansa sa kaniyang sarili dahil alam niyang maganda siya.

Saad niya,

"Alam kong maganda ako.. Alangan sabihin ko ang pangit ko, di ba? Wala nang ibang pupuri sa akin kundi sarili ko!"

Ngunit inamin ni Angel na may ilang limitasyon pa din sa kaniya noon. Ibinahagi din ng aktres ang pagba-back out niya noon sa mga audition tuwing nakakasabay niya ang kapwa aktres na si Solenn.

Kwento ni Angel,

"Si Solenn dati lagi kong nakakasabay 'yan sa mga VTR. Wala pang GMA noon, mga commercial pa lang. Nagco-commute ako simula Caloocan papuntang Makati, naka-ilang bus tapos mag-MMRT pa ako."

Dagdag pa niya,

'So ang pawis ko, diretso akong audition. Papasok si Solenn galing kotse! Ang ganda ganda ni Solenn talaga! Yung alam mong gusto ko na lang umuwi kasi alam mong hindi ka makukuha!"

Ayon kay Angel, ibinahagi din niya kalaunan kay Solenn kung paano siya umatras noon sa mga audition tuwing sila ay nagsasabay.binahagi din niya kalaunan kay Sol

Aniya,

"Kinausap ko na si Solenn na, 'Solenn, alam mo ba dati 'pag pumupunta kayo sa audition, uuwi na lang ako kasi alam kong hindi ako makukuha?'"

Saad ni Angel, hindi na matandaan pa ni Solenn ang mga pagkakataon na 'yon ngunit tawang tawa daw ito sa kaniyang kwento. Nilinaw din ni Angel na hindi snob ang model-actress tulad ng sinasabi ng karamihan.

Pagbabahagi ng aktres,

"Hindi niya ako natatandaan... So, tawa lang siya ng tawa! 'Gel, sorry,' gumaganon siya. 'Bakit ka nagso-sorry, ano ka ba!'"

No comments