Featured Post

Aktor Na Si Ronald Valdez Noong Kaniyang Kabataan, Pumukaw Sa Atensyon Ng Marami Dahil Sa Kaniyang Gwapong Mukha!


Hindi maipagkakaila na maraming mga personalidad at celebrity na talaga namang hindi natin makakalimutan kahit lumipas pa ang panahon dahil nakatatak pa din sa ating puso at isipan ang ipinamalas nilang talento at husay pagdating sa iba't ibang larangan.

Katulad na lamang ng isa sa mga kilalang aktor noon na si Ronaldo Valdez o Ronald James Gibbs sa tunay na buhay na ngayon ay 73-taong-gulang na.

Si Ronaldo ay unang nakilala ng publiko noong taong 1996 dahil sa kaniyang husay at kahanga-hangang talento sa pag-arte. Ngunit bukod sa talento ni Ronaldo, siya ay isa din sa mga aktor na nagtataglay ng gwapong mukha at makisig na pangangatawan lalo na noong kabataan niya.


Kamakailan lamang nga ay kumalat ang mga larawan ni Ronaldo sa social media tampok ang hitsura niya noong kabataan niya. Kaagad ding pumukaw sa atensyon ng marami ang larawan dahil sa kapansin pansin ang gwapong mukha ng aktor at makisig na pangangatawan noong kaniyang kabataan.

May iba na naghalintulad pa sa hitsura ni Ronaldo noong kabataan niya sa isa sa mga gwapong aktor sa henerasyon ngayon tulad nina EJ Falcon, Ian Veneracion, at Jestoni Alarcon.


Si Ronaldo ay nagpakasal kay Marife na nahulog sa kaniya hindi lamang dahil sa kaniyang angking kagwapuhan kundi dahil din sa kaniyang personalidad. Ang dalawa ay biniyayaan ng dalawang anak na sina Melissa Gibbs at Janno Gibbs na parehas sinundan ang yapak ng kanilang ama sa showbiz industry.

Ngunit lingid sa kaalaman ng marami ay nagkaroon ng tampuhan at hindi pagkakaunawaan ang aktor na si Janno Gibbs at ang kaniyang ama na si Ronaldo noon dahilan para hindi magkibuan ang mag-ama ng ilang taon. Ngunit kalaunan ay naayos din naman nila ito.


Inamin ni Ronaldo na may pagkakataon na hindi maiiwasan na ang mga magulang ay nakagagawa ng pagkakamali sa kaniyang mga anak. Ayon pa sa kaniya, kahit siya ay isang magulang, kailangan pa din niyang humingi ng kapatawaran sa kaniyang anak dahil siya ay nagkamali.

No comments