Featured Post

Akala Nila Ay Mahirap Lamang Ang Kasintahan Ng Kanilang Anak, Laking Gulat Nila Sa Tunay Na Pagkatao Nito


Nasa iisang eskwelahan lamang ang pinapasukan nina Miguel at Amanda ngunit sila ay magkaiba ang kurso na kanilang kinukuha. Nasa huling taon na sila sa kolehiyo at pag-graduate na din sila. First year college sila noong una silang nagkita at doon nagsimula ang kanilang relasyon.

Si Miguel ay nakapag-aral sa kilalang unibersidad dahil siya ay nakakuha ng scholarship samantalang si Amanda naman ay ipinanganak ng mayaman kung kaya naman ito ay nakapag-aral sa naturang unibersidad. Nang ipakilala ni Amanda ang kasintahan sa kaniyang mga magualang, alam na niya kaagad na hindi sila boto kay Miguel dahil sa nalaman nilang estado ng binata na anak ito ng mga magsasaka at scholar lamang sa eskwelahan. Ito ay base na din sa mga kwento ni Miguel sa kaniya.

Kahit minsan ay hindi pa naisasama si Amanda ng kaniyang kasintahan sa bahay nito. Marahil ay nahihiya ito na makita ni Amanda kung saan siya nakatira. Ngunit hindi iyon magiging hadlang para magbago ang pagmamahal niya sa binata. Dahil noon pa man ay hindi na siya bumabase sa estado ng isang tao para lamang mahalin kung hindi kung ano ang nilalaman ng puso nito.

Sa kabila man ng mababang estado sa buhay ni Miguel, hindi maikakaila ang angking kagwapuhan nito, bagay na maipagmamalaki ni Amanda sa nobyo. Kung titignan ang binata, hindi mo aakalain na siya ay mahirap lamang.

Isang araw, binisita ng magkasintahan ang kapatid na babae ni Amanda na si Sonya. May sarili na itong pamilya at nakabukod sa sariling bahay dahil sinwerte itong nakapangasawa ng may kaya sa buhay. Nagkwentuhan ang magkapatid habang si Miguel ay nakaupo sa may sala habang nanonood ng palabas sa telebisyon. Dinig na dinig ng binata na parang may pinagtatalunan ang magkapatid. Ito pala ay dahil sa kaniya. Ipinaalam kasi ni Amanda sa kaniyang kapatid na sila ay engage na ng kaniyang nobyo. Laking gulat naman ng nakatatandang kapatid sa sinabi ni Amanda.

Sinabi ni Sonya na kapag ito ay nalaman ng kaniyang mga magulang, sigurado na magagalit ang mga ito at may posibilidad pa na siya ay itakwil bilang kanilang anak dahil hindi nila gusto ang kaniyang kasintahan.

Hindi nila namalayan na narinig ni Miguel ang pag-uusap nila, ngunit nakakapagtaka na tumahimik lamang ito at ngumiti lamang. Walang bakas na aapag-aalala at pagka-dismaya sa mukha nito. Tila hindi siya naaapektuhan sa kaniyang mga narinig, bagay na ipinagtataka ni Amanda sa kaniya na kahit minsan ay hindi niya nakita sa nobyo na panghinaan ng loob.

Matapos nilang maka-graduate sa kolehiyo, doon pumasok ang malaking problema sa pamilya ni Amanda. Na-diagnosed ang kaniyang ina ng br3ast canc3r at kakailanganin nila ng malaking halaga ng pera para sa pagpapa-opera dito. Kaya naman nila ang ibang mga bayarin ngunit laking gulat nila nang mag-offer si Miguel na siya na ang bahala sa pagpapaopera ng ina ni Amanda. Sinabi niya din na siya na ang sasagot sa mga gastusin. Hindi sila kaagad makapaniwala sa sinabi ng binata dahil paano nito mababayaran ang ganoong kalaking halaga para sa operasyon ng ina ni Amanda gayong ito ay mahirap lamang.

Pero desidido si Miguel at gagawa siya ng paraan upang tustusan ang mga gastusin ng ina ng nobya. Maging si Amanda ay natulala at hindi alam ang sasabihin sa mga sinambit ng nobyo. Sa puntong iyon, kinausap ni Amanda si Miguel ng masinsinan ng may halong pangamba at pag-aalala dahil baka lalo itong hindi tanggapin ng kaniyang mga magulang kapag ito ay nabigo sa kaniyang mga binitiwang salita.

Isang matamis na ngiti lamang ang isinagot ng binata sa kaniya. Sa unang pagkakaton, inaya siya nito na pumunta sa kaniyang bahay. Nagulat si Amanda dahil kailanman ay hindi pa siya nadadala ng nobyo sa tinitirhan nito. Sumakay sila sa taxi at bumaba sa isang exclusive subdivision. Mas magarang subdivision iyon kumpara kina Amanda. Hindi makapagsalita si Amanda at natulala lamang sa mga nakikita niya. Nagpatuloy sila sa pagpasok sa naturang subdivision.

Nang marating nila ang napakalaki at magarang mansyon, pinagbuksan sila ng gate at pianapasok sa loob. Noong mga oras na iyon ay naguguluhan pa din si Amanda at hindi na niya mapigilan na magtanong sa nobyo. Ngunit inunahan na kaagad siya nito at sinabing,

"Amanda, patawarin mo ako. Pero ito yung katotohanan. Hindi totoo na mahirap ako dahil lahat ng nakikita dito ay aking pag-aari. Sinadya kong itago sayo ang lahat para aking mapatunayan kung totoo talaga ang pagmamahal na ipinaparamdam at ipinapakita mo sa akin. At napatunayan ko naman iyon. Ikaw ang klase ng babae na hindi tumitingin sa estado ng buhay ng isang tao. Minahal mo ako at ipinaglaban kahit ang pagkakaalam mo ay isa lamang akong mahirap."

Pagkatapos marinig ni Amanda ang lahat, niyakap niya ng mahigpit si Miguel para sabihin na tinatanggap niya ang ginawang paglilihim ng nobyo sa totoong katauhan nito. Hindi na mahalaga sa kaniya ang paglilihim nito o ang pagpapanggap nito dahil ang mahalaga sa kaniya ay ang ngayon na kung saan ay ipinagtapat na ng nobyo ang totoo nitong pagkatao. Hindi naman ito kabawasan ng pagmamahal niya para kay Miguel bagkus ay mas lalo pa niyang minahal ito. Lahat ng pangamba at pagaalinlangan ni Amanda ay bigla na lamang naglaho.

Ilang sandali pa ay bumalik na sila ng ospital. Sa pagkakataong ito, may dala na sila na isang magara at mamahaling sasakyan. Kaagad inasikaso ni Amanda ang mga kakailanganin para sa operasyon ng kaniyang ina. Doon din ay ibinunyag ni Amanda ang mga natuklasan tungkol sa kaniyang nobyo. Maging ang kaniyang mga magulang at kapatid ay nagulat din. 

Labis ang pasasalamat ng ina ni Amanda kay Miguel at sinabing,

"Sana mapatawad mo ako, Miguel. Kung nasaktan ko man ang damdamin mo sa mga nasabi ko sa'yo noon sa pag-aakala na mahirap ka lang. Hindi din naman namin mapipigilan si Amanda kung ikaw talaga ang minamahal niya. Magulang lang kami at bilang isang magulang, gusto namin na mapunta sa mabuting kalagayan ang aming anak at ang magiging apo namin.

"Pero gayunpaman, nagpapakumbaba ako. Hinihingi ko ang iyong kapatawaran."

Sa pagkakataon na iyon, hinawakan ni Miguel ang mga kamay ng ginang bilang hudyat na pinatawad na niya ito at walang kahit kaunting sama ng loob dito. Naiintindihan niya ang mga masasakit na nasabi noon ng ginang dahil alam niya na normal lamang ito para sa isang magulang na nagmamahal sa kanilang anak.

Matapos nito, naging matagumpay ang operasyon at tuluyan ng gumaling ang ina ni Amanda. 

Nag-celebrate sila sa bahay at doon inihayag ng magkasintahan ang nalalapit nilang pag-iisang dibdib. Iisa naman ang naging reaksyon ng lahat. Lahat sila ay sang-ayon at malugod na binati ang dalawa. 

Hindi naman nagtagal ay ikinasal sina Amanda at Miguel. Biniyayaan sila ng isang anak na lalaki at masayang namuhay ng magkakasama.

No comments