Featured Post

Isang lalaki ang hindi natinag sa kakalaro ng ML kahit naararo na ng Bus ang kanilang bahay

Source: Radyo Bandera/ Facebook

Hindi natinag ang isang Mobile Legend ML) player sa nangyari sa kanilang tahanan sa paglalaro nito sa cellphone. Patuloy parin sa paglalaro ang gamer na ito at hindi pinansin ang naaro nilang bahay.

Sa paglalaro ng online game na ito ay kailangan na may abilidad sila na mag-focus sa kanilang laro para matapos ang kanilang mga goals at activities sa kanilang laro. Iniiwasan nilang ma-istorbo para lang hindi matalo sa laro. Hindi na sila basta basta nawawala sa konsentrasyon ng kahit ano habang naglalaro.

Source: Radyo Bandera/ Facebook 

Isang halimbawa nito ang nangyaring aksidente sa lugar ng Negros del Norte na tungkol sa isang ML player na ibinalita ng Radyo Bandera sa Facebook.

Ibinalita na ang isang pampublikong bus ang nawalan ng kontrol sa manubela at humantong sa  pagkakabangga sa isang bahay sa tabi ng kalsada. Sa kabila ng nangyari ay maswerte ang tao sa loob ng bahay na walang nangyari sakanya. 

Source: Radyo Bandera/ Facebook

Makikita sa larawan na sa kawalan ng preno ng bus ay umabot ang bus sa loob ng bahay. Makikita din sa larawan ang isang lalake na tila walang paki-alam sa nangyari sa kanilang bahay at mutik na itong masaktàn. Patuloy pa itong sa kanyang pagkakaupo at ipinagpatuloy lamang ang paglalaro nito ng ML na parang walang nagyari.


Nag-trending ang larawang ito ng isang ML player habang naglalaro kahit inararo na ng bus ang kanilang bahay. Kaya naman sinabing “ML is Life” para sa player. Umani ng mga nakakatawang reaksyon sa social media ang balita.

Source: Radyo Bandera/ Facebook

No comments