Featured Post

Buwis buhay na umaakyat sa puno ng kawayan ang isang 83-anyos na Lola para kumuha ng hahabiin at ibebentang basket

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Nagtrending ang isang lola na sa kabila ng edad nito ay umaakyat pa ito sa puno ng kawayan.
Makikita sa post ng isang netizen ang video ng lola na umaakyat sa puno ng kawayan.

Kita sa video ang pagkaliksi pa ng matanda sa pag-akyat nito ngunit talaga namang buwis-buhay ang ginagawang pag-akyat ng lola. Peligroso ang ginagawang ito ng matanda na makapagpapahamak sa kanyang buhay. 

 
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Ang paghahabi ng basket ang nakalakihan na ni Lola Gloria. Kinakailangan niyang umakyat ng puno ng kawayan upang makakuha ng hahabiing pang gawa ng basket.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Isinalaysay ni Lola Gloria na sampung taon gulang pa lamang daw ito ay umaakyat na ito sa puno ng kawayan, at maghahabi ng gagawing basket. Siya din pala ang mismong nagbebenta nito sa palengke. Ngunit sa panahon ngayon ay hindi na ganoong tinatangkilik ng mga tao mga basket na gawa sa kawayan. Kaya naman konti lang ang napagbebentahan ni Lola kapalit ng agaw buhay niyang pangunguha ng kawayan.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho
 
Maaga pa lamang daw sa umaga ay inihahanda na niya ang kanyang sarili para sa isang oras na lakaran papunta sa kawayanan. Inaakyat nito ang kawayang may taas na 30ft o katumbas ng talong palapag. Walang gamit na tali si Lola Gloria at tanging ang kanyang itak lamang ang kanyang dala-dala. Inuuwe ni Lola ang isang pirasong kawayang na may bigat na anim na kilo.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Kaya naman sobrang delikàdo ang ginagawang ito ng matanda. Labis ang pasasalamat ng mga apo ni Lola Gloria dahil sa pagtulong nito sa kanilang pag-aaral. Masakit man sakanila na makita ang kanilang lola na patuloy sa pagtratrabho sa kabila ng edad nito ay wala man silang maitulong.


 

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

No comments