Featured Post

Pamilyang Aeta hindi pinasakay ng kilalang bus line sa kanilang air-conditioned bus!

Source: Mikhael Petito/ Facebook


Ang tribo ng mga Aeta ay madalas na naninirahan sa bulubundukin at mga liblib na lugar noong unang panahon. Sa pagdaan at pagbabago ng panahon, at kawalan ng makakain sa bundok ay nakikipagsapalaran sila sa patag upang mabuhay.

Kaya naman hindi nila nakasanayan ang modernong pamumuhay ngayon, lalo na sa mga kapatagan o lungsod .Sa kadahilanang ito marami sakanila ang napagsasamàntalahàn ng mga manlol0ko. Ang iba naman ay nakakaranàs ng matinding diskriminasy0n mula sa mga tao sa kapatagan dahil hindi sila nakapag-aral at walang tamang edukasyon. 

 
Source: Mikhael Petito/ Facebook

Tulad na lamang sa nangyari sa isang pamilya ng mga aeta sa isang bus station. Kumalat sa social media at ikinalungkot ng maraming tao ang nangyaring ito. Ibinahagi ng isang concerned netizen ang kwento ng pamilyang Aeta na hindi pinayagang pasakayin sa airconditioned na bus. Labis na nalungkot ang netizen na ito para sa pamilya sa hindi magandang pagtrato sakanila.

 
Source: Mikhael Petito/ Facebook

Ibinahagi ni Mikhael Petito sa kaniyang Facebook account ang kanyang saloobin. Narito ang kanyang post:

"Habang naghihintay ako ng bus papuntang Pasay napansin ko sila sa gilid ng shed may kausap na babae. Nacurious ako and lumapit kung saan sila papunta. Nalaman ko sa Sta. Cruz, Pampanga lang sila at AYAW SILANG PASAKAYIN sa mga aircon na bus?! 2 bus na daw ang dumaan and tinanggihan silang isakay
Hindi ko naabutan yung hindi sila sinakay. Ready na akong makipagbalyahan at isakay sila sa susunod na bus .Maya maya may mini ordinary bus (hindi aircon) na dumating tinulungan namin sila ni ate and sinakay naman sila.
Hi Victory Liner, Inc. , may existing rules ba kayo na namimili ng sasakay?
Ayon kay ate na nag assist din sa knila 2 victory liner bus ang tinanggihan sila.
EDIT: Sa mga nagtatanong, Aetas po sila hindi po mga insane or what. Aetas are indigenous people po from Luzon.
UPDATE: Umabot na po ang isyung ito sa Victory Liner and humingi na po sila ng tawad.
“I totally agree with you, that all of the PUV's should not select their passengers. All are equal and should be treated the same as the others. Aeta's are also filipino's are humans therefore they should be treated as one. - Customer Care Superintendent” see full message at the comment section po
And if may contact number po kayo nila Tatay message me and i’ll send it to Victory Liner po mara makabawi sila. May we all have happy holidays!
Sana may natutunan po tayong lahat dito".
Makikita sa post nito ang larawan ng pamilya na nasa labas lamang ng mga bus. Nais lamang nila sumakay ng bus upang makauwe ngunit hindi sila pinayagang makasakay dahil sila ay mga aeta.

Payak lamang ang kanilang kasuotan at may kargakargang bag sa kanilang likuran. Naghihintay at tahimik parin silang umaasa na may magpapasakay kanila.

Nakakapanlumong isipin na dahil sa mga diskriminasyong nakukuha nila sa mga tao sa mga lungsod ay hindi sila nakakaranas ng pantay ng pagtrato sa ibang tao.
Sa kabila nito ay may ilang tao pa ring handang tulungan ang mga ganitong tao. Tinulungan sila ni Petito na makasakay sa isang mini-bus na dumaan at sa wakas ay nakasakay na ang pamilya.

Source: Mikhael Petito/ Facebook

No comments