Featured Post

Nakapagtapos ng kolehiyo ang isang estudyante dahil sa pagtitinda ng mani at chicharon sa kanyang paaralan

Source: Jemaima Joy Salas/ Facebook

Pinatunayan ng isang mag-aaral na walang mataas na pangarap sa taong may determinasyon at pagsisikap. Dahil sa pagtitinda ng mani at chicharon makakapagtapos ang isang matiyagang mag-aaral.

Ibinahagi ng estudyanteng si Jemaima Joy Salas sa kaniyang Facebook post ang naging tagumpay nang maka-graduate sa kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship. Masayang ibinahagi ni Jemaima na kung hindi dahil sa kaniyang mga suki ng mga tindang mani at chicharon, hindi siya makakpagtapos ng kurso sa Laguna University.
 
 
Source: Jemaima Joy Salas/ Facebook
 
Noon una raw ay pinaghihinaan ito ng loob kung kakayanin ba niyang makapagtapos ng pag-aaral. Ani ng dalaga ay hiwalay na ang mga magulang niya at pumanaw pa ang kaniyang lola noong 2014 na kanyang kasangga sa pagharap sa pang-araw araw na pagsubok ng kanilang buhay.
 
Source: Jemaima Joy Salas/ Facebook
 
Kaya naman nag-isip ang dalaga ng paraan upang matustusan ang janyang pag-aaral. Nagtinda siya ng mani at chicharon sa paaralan tuwing break at uwian. Kumikita siya ng halos 300 kada araw para pandagdag sa kanyang pang araw-araw na pangangailangan at pag-aaral.

 
Source: Jemaima Joy Salas/ Facebook
 
Naisipan ni Jemaima Joy Salas na isama sa kanyang graduation photos ang ilang binebentang paninda na chicharon at mani.

Source: Jemaima Joy Salas/ Facebook

Ito ang naging post ni Jemaima sa kanyang post sa Facebook:
"TATLO BENTE, MANI QUEEN, ATE CHARON.
Maraming salamat sa mga suki ko Students ng dahil senyo naabot ko ang pangarap ko. Tutupadin ko padin soon pag wala ng covid ang FREE CHICHARON. 
Sa mga kabataan nangangarap walang imposible. Tupadin mo ang pangarap mo makatapos ng pagaaral.
Tulad din ako ninyo na takot na takot sa una . Tulad din ako ninyo na nagsabi HINDI KO KAYA.
Tulad din ako ninyo na HINDI NANIWALA.
Pero kung sisimulanmo ang lahat, At susubukan umalis sa comfort zone mo don mo makikita na KINAYA MO PALA.
Lagi mo lang isama ang Diyos sa buhay mo dahil SYA at ang panalangin mo ang tutulong sayo para maabot mo ang isa sa mga pinapangarap mo.
LABAN LANG!
-MAPAPAGOD PERO BAWAL SUMUKO.
-MADADAPA PERO BABANGON.
-MAWAWALAN NG PAGASA PERO SA DIYOS PADIN MAGTITIWALA.
Bachelor of Science in Entrepreneurship 
To GOD be all the Glory!"

 

Source: Jemaima Joy Salas/ Facebook
 
Talaga naman nakakabilib ang pinakitang determinasyon ni Jemaima sa pagsusumikap sa kanyang pag-aaral upang makamit nito ang pangarap na makapagtapos.

 

Source: Jemaima Joy Salas/ Facebook

No comments