Featured Post

Laking gulat ng tindero ng isda nang bumungad ang mga basura sa loob ng tiyan ng hiniwang isda sa harap ng kanyang suki


Source: Mary Vanessa Guzman-Tan /Facebook

Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang karanasan habang bumibili sa suki nito sa palengke. Ibinahagi ni Mary Vanessa Guzman-Tan sa kanyang facebook page ang nakakagulat na nakita sa paninda ng isang fish vendor. Maging ang tindero ay nagulat at nanlumo sa kanyang nakita.

Bumili si Mary ng bagong huling dorado o kilala rin sa tawag na mahi-mahi. Laking gulat ng tindero at ni Mary na habang hinihiwa ang bagong huling isda ay bumungad sakanila ang basura galing sa tiyan ng isda.

 
Source: Mary Vanessa Guzman-Tan /Facebook

Bumungad mula sa loob ng bituka ng isda ang balat ng candy, ilang pirasong plastic, maging takip ng softdrinks, isang disposable na kutsara, salonpas at iba pang kalat ang nakita.

 
Source: Mary Vanessa Guzman-Tan /Facebook

Ito ang pagsasalaysay ni Mary sa kanyang post:

“My father’s routine almost every morning is to buy fresh fish in Jacana. He went straight to his suki this morning to look for what is available from his fresh catch. He decided to buy a kilo or two of Dorado.”  

“Since the fish was huge, the vendor sliced it open and as they revealed the insides of the fish, they were surprised to see trash, aside from some squid that the fish had eaten… Basura sa tiyan ng isda. The fish was caught in the waters of Palawan. Even the fisherman was shocked of what he saw,”

“Dahil sa kadamangan ng tao, pati lamang dagat nadadamay. This only means that our ocean is being flooded with trash. Sabi nga ng tatay ko, iba pala kapag napapanood mo lang sa TV, at iba kapag nakita mo mismo sa personal na pag bukas ng tiyan ng isda, puro basura”.

 
Source: Mary Vanessa Guzman-Tan /Facebook

Inilabas naman mula sa Western Philippines University noong Disyembre ang mga researchersang natuklasan ng marine plastic pollution sa Puerto Princesa City. Mula sa kanilang pag-aaral, “heavily contaminated” ng basurang plastic ang karagatan ng Puerto Princesa at napapabilang ito sa international standards na “dirty to extremely dirty”.

 

Source: Mary Vanessa Guzman-Tan /Facebook

No comments