Featured Post

Isang matandang babae matiyagang nagtitinda sa gilid ng daan, inulan ng tulong mula sa mga netizens

Source: John Mark Cayao/ Facebook

Isang nanay ang matiyagang nagtitinda sa gilid ng kalsada para lamang kahit paano ay kumita ng pera ngayong panahon ng pandemya. Nagtrending ang post ni John Mark Cayao sa kaniyang facebook account sa kaniyang kuhang larawan ng isang matandang babae na may nakalatag na mga ibat-ibang paninda sa gilid lamang ng daan.

Source: John Mark Cayao/ Facebook

Mula sa larawan makikita ang samo't saring paninda ng matanda, kagaya na lamang ng prutas na pinya, mga rootcrops, at mayroon pa din itong walis. Hindi iniinda ng matanda ang mainit ang panahon, nagtitiyaga pa ring magtinda ang nanay na ito para lamang may pangkain sila sa araw-araw nilang pamumuhay.

Ani pa ni John Mark sa kanyang post , dahil sa sipag at tiyaga ng matandang babae kahit nasa gitna ng sitwasyon natin ngayon ay naghahanapbuhay pa rin ito. Humanga ng lubos sa kaniya si John Mark, dahil sa kasipagaan at katiyagaan nito sa pagtitinda kahit sa kabila ng pandemiya ngayon.

Source: John Mark Cayao/ Facebook

Kaya naman bilang tulong na rin ni John Mark, siya ay nanawagan sa social media upang mabigyan ng tulong ang matandang babae.

Inulan ng tulong ang matandang babae dahil sa ginawang panawagan ni John Mark sa kanyang post. Maraming mga netizens ang nagpaabot ng tulong sa matandang babae sa pamamagitan ng pagpakyaw ng kaniyang mga paninda.

Binigyan din ito ng tulong pinansiyal para pandagdag puhunan niya sa kaniyang negosyo, pambili ng pagkain at gamot. May mga nagpaabot rin ng mga groceries para sa kanilang pang-araw-araw na mga pangangailangan.

Source: John Mark Cayao/ Facebook

Sobrang kagalakan ang naramdaman ng matandang babae, dahil maaga raw siyang makakauwi na may dalang pagkain para sa kaniyang pamilya. Makakapagpahinga na rin daw siya pagkatapos ng buong araw niyang pagtitinda na bilad sa araw.

Laking pasasalamat naman nii John Mark sa mga taong pumansin sa kaniyang post at nagbigay ng tulong sa matanda.

Labis rin ang naging pasasalamat ng matandang babae sa lahat ng taong tumulong sa kaniya. Tunay ngang kadakilaan na maituturing ang pagtulong sa kapuwa dahil ika nga nila, “ang tunay na nagmamahal sa kaniyang kapuwa ay siyang tunay na nagmamahal sa Diyos”.

 Source: John Mark Cayao/ Facebook

No comments