Featured Post

Isang estudyante ang magtatapos sa senior highschool dahil sa sipag at tiyaga ng kanyang amang nagtitinda ng balut

Source: GMA News

 

Magtatapos sa Senior High School ang isang estudyante dahil na rin sa sipag at tiyaga ng kanyang amang nagtitinda ng balut sa Siniloan, Laguna.


Makikita sa Facebook post ng GMA News ang creative shot ng estudyanteng si Jerdy Grace Araneta para sa kanyang graduation photoshoot. Hawak niya ang karatulang may nakasulat na “Dahil sa balut, diploma ay naabot” kung saan ay kasama niya sa larawan ang kanyang amang si Rodolfo.

Source: GMA News

Sampung taon nang nagtitinda ng balut si Rodolfo upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang asawa at limang anak. Ayon sa kanya, “Kinakaya ko talaga kasi kailangan ko talagang makatapos ang pag-aaral ng mga anak ko e, para hindi matulad sa akin. Kasi ako wala rin akong pinag-aralan e.”

Dahil sa ipinapatupad na curfew ngayong may pandemya, kinailangan niyang magkaroon ng iba pang trabaho tulad ng paglalako ng pandesal, pangangalakal ng basura at pag-aayos ng mga appliances.

 

 
Source: GMA News

Samantala, bilang panganay ay desidido si Jerdy na makapagtapos ng pag-aaral upang matulungan ang kanyang pamilya. Tinutulungan niya ang kanyang ama sa pagtitinda sa tuwing hindi siya abala sa kanyang pag-aaral. Balak niyang kumuha ng kursong Nursing sa kolehiyo at plano niya ring maging working student upang kahit papaano ay mapagaan ang trabaho ng kanyang ama.

 
Source: GMA News

Ani Jerdy, mag-aaral siya sa umaga at magtatrabaho naman sa gabi dahil sanay na rin naman na siya sa puyatan. Mensahe naman niya sa mga estudyanteng may mga magulang na matiyagang nagtatrabaho upang sila ay makapagtapos, “Ituloy lang ang pag-aaral kasi ‘yon po ang pinakamagandang regalo na mabibigay sa magulang nila.”

Source: GMA News

No comments