Featured Post

Binatang walang mga paa patuloy sa paghahanap-buhay para makatulong sa pamilya

Source: Lala Cares

Pinatunayan ng isang 21 anyos na binata na hindi kailanman magiging hadlang ang kanyang kapansanan at hinarap ang hamon ng buhay. Pinakita nito ang sipag at determinasyon sa pagtratrabaho. 

Kilalanin si Ryan “Ipong” Moralidad na tubong Sibsib, Tulunan, Cotabato na hinangaan ng marami dahil sa sipag nito sa paghahanap-buhay. Hindi naging hadlang sakanya ang kanyang kawalan ng dalawang paa upang magpursige sa buhay. Kumakayod at nagsusumikap siya upang makaraos sa kahirapan sa kabila ng pandemya.

Source: Lala Cares

Sa hinaharap ng pandemiya ngayon ay lalo pang nagsumikap si Ipong upang makatulong sa kanyang pamilya at hindi ito naging pabigat. Patuloy ang kanyang pagharap sa buhay na may dala-dalang lakas ng loob at determinasyon sa buhay.

 
Source: Lala Care

Makikita sa larawan na wala itong mga paa, ngunit hindi ito naging hadlang upang siya ay maghanapbuhay. Si Ipong ay nagsasaka at nag-uuling para makatulong sa kaniyang pamilya. Naulila na sila sa kanyang ama at hindi naman sapat ang kinikita ng kaniyang ina sa paglalako.
Panganay sa walong magkakapatid si Ipong kaya naman labis ang pagpupursige nito sa kabila ng kaniyang kapansanan.

 
Source: Lala Cares

Inilarawan ng kanyang kamag-anak na si Irene Dioso si Ipong na mabait, matulungin, at masipag na bata si Ipong. Isinalaysay pa ng kanyang tiyahin na Grade 1 lamang ang natapos nito dahil huminto sa pag-aaral dahil sa pambu-bully ng mga tao.

 
Source: Lala Cares

“ Kung ano ang trabaho na kaya ng may mga paa, kaya niya ring gawin. Pero sa mga ganitong trabaho, hindi namin siya inuutusan, kusa siyang gumagawa dahil gusto niya.” pagsasalaysay ng kanyang kamag-anak.

 
Source: Lala Cares

Humanga at naging inspirasyon ng marami si Ipong na sa kabila ng kapansanan at pagsubok na dumating sa kanyang buhay ay patuloy siyang lumalaban sa pagharap sa buhay.

Source: Lala Cares

No comments