Featured Post

102-Anyos na Lolo ang patuloy sa pagtitinda at pagbubuhat ng Duyan upang makapaglako

Source: Rhodz Jimenez Casio-Salili/ Facebook

Pinatunayan ng isang Lolo na may edad na 102-anyos, na hindi balakid and edad kung may sikap at tiyaga. Kinilala si Lolo na si Tony Villanueva, sa kabila ng edad nito ay naghahanap-buhay pa rin ito upang may pang sustento sa kanilang pang araw-araw.

 
Source: Rhodz Jimenez Casio-Salili/ Facebook

Nakilala ang masipag na si Lolo Tony na mula pa sa probinsya ng Leyte. Hindi nito alintana ang mabigat na binubuhat niyang duyan. Purisgido si Lolo Tony sa kanyang trabaho at maghanap-buhay ng marangal. Inilalako nito at ini-ikot ang tindang duyan sa buong Barangay ng Rizal. Mahalaga kay lolo tony na makabenta ar kumita kaya naman hindi nito alintana ang init at pagod na nararamdaman sa kanyang paglalakbay.
 
 
Source: Rhodz Jimenez Casio-Salili/ Facebook

Ibinahagi naman ni lolo Tony ang sikreto sa malakas niyang pangangatawan sa kabila ng edad nito. Gulay at isda lamang daw ang kanyang kinakain at hindi umano siya kumakain ng ng karne at mga pagkain na may halong vetsin.

Isang concerned netizen na si Rhodz Jimenez Casio-Salili ang nagbahagi ng kanyang post na larawan sa social media. Hiling nito na sana ay makarating ang kalagayan ni Lolo Tony sa Local Govenment upang mabigyan umano siya ng benepisyo para sa kanyang edad.
 
 
Source: Rhodz Jimenez Casio-Salili/ Facebook

Ito ang kanyang buong post:

“Pasikatin natin itong si tatay Tony Villanueva from Leyte, 102 years old na po sya pero malakas pa at naghahanap buhay ng marangal, nilalako nya yung paninda nyang duyan sa buong Brgy.Rizal, kahit mabigat ang duyan hindi alintana ang pagod makabenta lang, ang sikreto daw nya sa malakas na pangangatawan ay walang Betsin at Karne, Puro gulay at isda lang daw kinakain nya, paki Share na lang para may bumili ng Paninda nya at makarating sa Local government para matulungan at makuha ang benepisyo nya sa edad nya.”

Source: Rhodz Jimenez Casio-Salili/ Facebook

No comments