Featured Post

Si Mrs ipinamigay ni Mr. sa ibang lalaki dahil wala na itong maipakain sa kanila at sa hirap ng buhay

Source: Lorry Aquino Talita Youtube

Maraming vlogger na ang sumisikat ngayon, at lahat sila’y may iba’t ibang content sa bawat vlogs. Ang ilan dito’y tungkol sa pagkain, travels, at iba pa. Samantalang ang iba nama’y pagtulong sa kapwa ang content ng video nila.

Sa YouTube channel ni Lorry Aquino Talita, makikita ang kuwento ni Mae Salangsawa, 25 taong gulang at may tatlong anak. Pareho sila ng kanyang asawang si Joel Baniqued, 50, na walang trabaho.

Paminsan-minsan, kumikita ang kanyang asawa sa pagpapa-atras ng mga sasakyan sa mga parking lot. Humahanap naman daw si Mae ng paraan at siya’y dumidiskarte upang may makain sila.

May mga tao namang nagbibigay sa kanila, tulad ng mga pulis, ng makakain nila sa pang-araw-araw.

Nasa Balagtas, Bulacan ang pamilya ni Mae at siya’y nakapag-asawa lamang ng taga-Rosales, Pangasinan.

Sampung taon na silang nakatira sa isang barong-barong na bahay.Pangalawang asawa na niya si Joel. Pinamigay lang daw siya ng kanyang unang asawa na taga-Pulilan, Bulacan, dahil daw wala itong maipakain at dahil na rin sa kahirapan. Umiyak daw siya nang siya ay ipamigay sa ibang lalaki. Pinamigay raw siya upang siya ay mabuhay.

Naiyak na lamang si Mae habang isinalaysay ang mga naganap sa kanyang buhay, mula noong sinasaktan umano siya ng kanyang lolo hanggang sa pag-iwan sa kanya ng walang paalam ng kanyang unang asawa. 

 Binigyan ng vlogger si Mae ng bigas, delata, at iba pang grocery items na malaking tulong para sa kanila.

Nagpasalamat naman si Mae sa mga ibinigay ng vlogger sa kanya.

Dagdag pa rito, binigyan ng vlogger ng maliit na tulong-pinansiyal si Mae upang papaano’y makabili rin siya ng kanilang makakain.


Sa sunod namang punta ng vlogger kay Mae, ipina-check up nila ang apat na buwang gulang na sanggol ni Mae. Ayon sa pediatrician, nasa Third Degree Malnutrition ang sanggol, na maaari namang maagapan sa pamamagitan ng mga niresetang mga bitamina.


Sunod namang binilhan ng vlogger sina Mae ng mga pagkain, mula sa isang fast food chain, para sa kanilang tanghalian.

Matapos nito, kinumusta ng vlogger si Mae kung ano ang nangyari sa mga nagdaang araw matapos niya itong bisitahin. Ayon kay Mae, marami na ang tumulong sa kanila: nagbigay ng mga bigas, sardinas, noodles, damit, at tulong pinansiyal.

Binigyan muli ng vlogger si Mae ng isang sakong bigas, grocery items, at hygiene products.

“Nagpapasalamat po ako na maraming tumutulong,” saad ni Mae.

Tinawagan din nila ang ina ni Mae, at kinukumbinsi na niya itong umuwi ng Bulacan upang doon na manirahan. Sa huli, nagpasalamat din ang vlogger sa mga kababayang tumulong sa pamilya nina Mae.

Source: Lorry Aquino Talita Youtube

No comments