Featured Post

Nakakaantig ng puso, kung sino pa yung mga walang wala sa buhay sila pa yung marunong tumulong sa kapwa

Source: Foreigngerms / You Tube

Minsan, kung sino pa ang talaga ang walang-wala – sila pa ang mas marunong magbigay at tumulong sa kapwa.

Sa vlog na ibinahagi ng YouTube channel na “Foreigngerms,” ibinahagi ng nasabing vlogger ang kabaitang ipinakita sa kaniya ng ilang mga Pilipino. Nagpanggap kasi siyang hihingi ng kanilang mga paninda sapagkat wala umano siyang pera.

Source: Foreigngerms / You Tube

Una niyang nakausap ang isang tindero ng petchay. Humingi siya rito dahil wala raw siyang dalang pera. Wala namang pag-aatubiling binigyan siya ng tindero. Nagpasalamat ang vlogger at nakipag-bato-bato-pik pa – ngunit nang dalawang beses siyang natalo ay binigyan niya ang tindero ng P1,500.

Source: Foreigngerms / You Tube

Sunod naman siyang humingi sa isang ice cream vendor. Pumayag agad ang tindero at sinabing, “Ice cream lang naman ‘yan.” Nang sinabihan siyang mabait ng vlogger, sinabi naman ng tindero na naaawa raw siya sa kaniya dahil mukha talaga siyang nauuhaw at nangangailangan ng pampalamig sa katawan. Nakipaglaro muli siya ng bato-bato-pik at nang matalo ay binigyan niya ang tindero ng P500.

Source: Foreigngerms / You Tube

Sunod naman ang isang kwek-kwek vendor. Gaya ng naunang dalawa ay humingi sa kaniya ang vlogger. Binigyan niya rin naman ito. Nakipaglarong muli ang vlogger at nang matalo siya’y binigyan niya ito ng P1,000.


Source: Foreigngerms / You Tube

Isang ice cream vendor muli ang “napaghingian” ng vlogger. Binigyan at nakipaglaro muli ito – at nang matalo muli siya ay binigyan niya ito P500. Nagpasalamat naman ang tindero at sinabing siya ang “buena mano” sa araw na iyon dahil ang vlogger daw ang kaniyang unang buyer.

Source: Foreigngerms / You Tube

Isang buko vendor naman ang nakita ng vlogger. Nagpanggap siyang hindi pa nakaiinom ng kahit anong tubig sa mahabang panahon dahil wala umano siyang pera, isama pa raw na na-stuck siya sa Pilipinas dahil sa paglaganap ng COVID-19. Binigyan naman siya ng tindero ng kaniyang paninda. Siya raw si Brother Bebot, na tila nagsisilbi sa kanilang simbahan sapagkat ipinaliwanag niya sa vlogger na sinabi raw ni Hesus na pakainin at painumin ang mga taong nagugutom at nauuhaw. Binigyan pa nga ni Brother Bebot ng face mask ang vlogger.

Source: Foreigngerms / You Tube

Makalipas ang tatlong araw ay nakita raw muli ng vlogger si Brother Bebot. At bilang sukli raw ng kabaitan nito sa kaniya ay binigyan siya nito ng P1,000. Nagpasalamat si Brother Bebot at tila hindi makapaniwala sa biyayang natanggap niya. Nagbahagi muli siya ng isang Bible verse kung saan sinasabing magagawa niya ang lahat dahil sa lakas na ibinibigay sa kaniya ni Kristo.

Source: Foreigngerms / You Tube

Sunod namang makikita sa video ang pagtatanong ng vlogger sa isang matandang babae sa kalsada kung paano siya makapupunta sa Pasig. Sinabi nitong kailangan niya raw mag-commute subalit wala siyang pera. Agad sinabi ng matandang babae na ibibigay niya ang kaniyang pera. Matapos nito’y ang vlogger naman ang nagsorpresa sa kaniya – dahil daw Valentine’s Day ay binigyan niya ito ng bulaklak, ngunit may “gift” pa raw sa likod nito. Nang baliktarin ito ng matanda ay nakita niya ang P1,000-bill at siya ay nagulat. Sinabi naman ng vlogger regalo na raw niya ito sa kaniya sapagkat napakabait daw nitong tao. Nagpasalamat naman ang matanda at sa labis na tuwa ay niyakap pa niya ang vlogger.

Source: Foreigngerms / You Tube

Sunod naman niyang napagtanungan ang isang babaeng nagbabantay ng paninda. Itinuro ni Sharlene ang paradahan ng jeep kung saan maaari daw sumakay ang vlogger patungong Pasig. At kahit na walang maibigay na pera bilang pamasahe ay binigyan niya na lamang ng tubig ang vlogger. Dahil dito’y binigyan din siya ng “Valentine’s Day” gift ng vlogger at laking tuwa niya rin nang makita ang P1,000-bill. Nagpasalamat siya rito at sinabing maaari na raw siyang magkaroon ng sariling paninda dahil kasya na raw ang halagang iyon bilang puhunan.



Source: Foreigngerms / You Tube

Sunod naman niyang napagtanungan ang isang street sweeper na si Lenlen. Binigyan siya nito ng P40 bilang pamasahe. At bilang pasasalamat ay binigyan siya ng vlogger ng regalo kalakip ang P1,000-bill. Natuwa naman si Lenlen at nagpasalamat din sa vlogger.

Source: Foreigngerms / You Tube

Huli naman niyang napagtanungan ang isang babae at ang kasama nitong rider. Sinabi ng vlogger na magtutungo raw siya ng Pasig ngunit wala siyang pera; dahil dito ay lalakarin na lamang daw niya ito. Nag-aalala naman ang babae at sinabing matagal daw bago niya marating ang Pasig kung lalakarin niya lamang ito. Tinanong niya rin ang vlogger kung kumain na ba ito ng pananghalian; at nang sabihin ng vlogger na hindi pa, walang pag-aatubili siyang binigyan ng babae. Bago lumisan ang babae at ang kasama nitong rider, ibinigay ng vlogger ang kaniyang “Valentine’s Day” gift at nang makita ang regalong P1000-bill, naiyak sa tuwa ang babae at niyakap ang vlogger habang nagpapasalamat dito.
 

Source: Foreigngerms / You Tube

No comments