Featured Post

Mister, iniabot ang naka-impakeng gamit ng kanyang Misis sa isang Pari matapos mahuli silang may relasyon


Nagsimulang kumalat noong Mayo 03 sa social media ang isang five-minute video kung saan mapapanood ang pagkompronta ng isang mister sa isang pari matapos nitong akusahan ang huli na may relasyon sila ng kanyang misis.

Sa post ng Facebook page na “New Viral,” makikita rito kung paanong sinira ng mister ang kanilang family portrait sa harapan mismo ng pari, ng kanyang misis, at sa iba pang taong nasa loob ng social hall sa isang simbahan sa San Fernando, Pampanga.


Humingi ng “sorry” ang pari subalit ani ng mister, “Pamilya po ang sinira niyo… naapektuhan ako.” Binanggit pa ng lalaki ang isa sa mga nasa Sampung Utos ng Diyos: “Thou shalt not covet thy neighbor’s wife.”

Ayon naman sa lalaking kumukuha ng video na mahihinuhang anak ng dalawa, ni-report na umano nila ang pari at nararapat lamang siyang maalis. Pinoprotektahan naman ng ilang taong naroon ang pari na nananatiling tahimik.


Dahil sa sama ng loob, napamura na lamang ang isa sa mga anak at sinabihang huwag siyang magsasalita ng masama sa lugar na iyon. Ayon naman sa kumukuha ng video, “Huwag kaming magmura? E anong ginawa niya sa nanay namin? (bumaling sa pari) Mahiya ka sa’min, among. Ikaw na mismo, hanggang dito na lang ‘to.”

Ayon naman sa artikulo ng Inquirer.NET, sinabi ni Archbishop Florentino Lavarias noong Mayo 04, “I am in contact with the priest and the family involved. We pray for God’s assistance and guidance.” At nito lamang Mayo 05, inalis na niya ang naturang pari mula sa parish at maaari lamang umano itong magmisa sa loob ng kanyang tahanan para sa kanyang “spiritual sustenance.”

No comments