Featured Post

Mga bentang saging ng isang street vendor, sinira ng mga awtoridad matapos itong makumpiska


 Mapapanood sa Facebook page na “Tsismosong Panot” ang video na ini-upload noong Mayo 28 kung saan makikitang tila sinisira ng mga awtoridad ang paninda ng isang babae.

Ayon sa babaeng kumuha ng one minute and twenty-two seconds na video, nagtitinda naman daw sila sa loob ng pathwalk. Nagpaalam umano sila sa may-ari ng dampa kung puwedeng maglagay ng paninda at pinayagan naman daw sila nito. Ayon naman sa isa sa mga awtoridad, wala umanong permit ang kanilang pagbebenta.


Habang kinukuhanan ng video ang mga awtoridad, binanggit pa ng babaeng kumukuha ng video, “Try muna natin silang mag-trending. Malay mo mag-trending sa Facebook, sumikat. Tingin-tingin naman sa kamera, ngiti pa.”


Umani naman ito ng samot-saring komento mula sa mga netizens.

“Bawalan na lang kung Hindi pwedeng magtinda jan.. sisirain pa mga paninda namuhunan mga yan kawawa nman Hindi na kayo naawa.”

“minsan talaga mga batas wala na sa ayos. daming mahihirap na pilipino lalo nyo pa pinahihirapan sana pinaalis nyo nalang. mga gag* kayo”

“Hulihin nyo magnanakaw hindi yung naghahanap buhay ng marangal,yan lng kaya nyo,sinira nyo pa,may pamilyang binubuhay yan,di na kayo naawa,baka inutang pa capital nyan”

Sa ngayon ay mayroon ng mahigit 22,000 reacts, 21,000 comments at 68,000 shares ang naturang post.

No comments