Featured Post

Isang matandang lalaki tinitiis ang lamig makapagbenta lamang ng kamote kahit na ito ay babad na sa ulan

Source: Cindz- Mallari Rodriguez/ Facebook

Sa isang social media post ang larawan ng isang lalaki na tila tinitiis ang lamig makapagbenta lamang ng kamote kahit na ito ay nabasa na ng tubig-ulan.

Ibinahagi ng netizen na si Cindz Mallari-Rodriguez sa kanyang Facebook account ang larawan ng isang lalaking nakaupo sa gilid ng kalsadang basa matapos bumuhos ang ulan. Mahihinuhang isa siyang tindero dahil may mga kamoteng nakalatag sa kanyang harapan.


Source: Cindz- Mallari Rodriguez/ Facebook


Sa iba pang mga litrato, makikitang may isang lalaki na bumibili sa tindero, kung saan tila makikita sa mukha ng huli ang panginginig dahil na rin sa nabasang damit.

Saad nga ni Rodriguez sa kanyang post, “Hi guys, if may makakadaan sa inyo along libertad po harap ng bilihan ng tela (Galactus). May makikita po kayong nagtitinda ng kamote. Pls po bilhan po natin sya. Nanginginig nap o kasi sya at basing basa.

Source: Cindz- Mallari Rodriguez/ Facebook 


Alam ko na hindi sapat na pinabili ko si papa at hindi na kinuha yung sukli para makauwi na din sana sya.

#PleaseHelpSHare #notohatecomment”

Umani rin naman ito ng komento mula sa iba pang mga netizens.

“Sana matolongan po si Kuya.”

 
Source: Cindz- Mallari Rodriguez/ Facebook  

“Kwawa nman po c tatay. Pki share po para may maktulong sa knya. Kung may magagawa lng po talaga ako.”

“Tiis lang pot ay..ang importanti nsa legal ang hnapbuhay at maayos,, pagpalain po kau ng panginoon.”

Source: Cindz Mallari-Rodriguez

No comments