Featured Post

Isang matandang babaeng nanlilimos idinadaan na lamang sa pagkanta ang gutom at init na kanyang nararanasan upang makaraos sa maghapon

Source: Denso Tambyahero/ You Tube



Isang YouTube post content ni “Denso Tambyahero,” ang ibinahagi niya rito kung ano ang nangyari nang makita niya ang isang lola. Nang makausap niya ito ay nabanggit ng matanda na hindi pa umano siya nanananghalian, kaya binigyan niya ito ng pera at pagkain.

Source: Denso Tambyahero/ You Tube

Isinalaysay pa ng 83 taong gulang na matanda, isa raw siyang Bicolana at nang mamatay ang kanyang asawa ay nilayasan na siya ng kanyang mga anak. Sinundan ng rider ang lola nang pumasok ito sa isang eskinita. Dito ay nagpasalamat ang huli sa nauna dahil may pangkain na raw siya sa loob ng isang linggo.

 
Source: Denso Tambyahero/ You Tube

Makikita naman ang ngiti sa mukha ng matanda nang muli siyang bigyan ng pera ng rider. Dagdag pa niya, “Yong mga taong nagbibigay sa akin, kinikuwento ko sa pari. Sabi niya, ‘Ipag-pray mo nanay para pagpalain ng Panginoon.’ Kasi daw ang pagpapala sa atin nasa Diyos.” Matapos nito ay kumanta pa ang lola tungkol sa mga nilikha ng Maylikha.

 
Source: Denso Tambyahero/ You Tube 

Laking pasasalamat muli ang matanda at sinabihan ang rider na ipagdarasal niya raw ito upang pagpalain siya ng Diyos.

 

Source: Denso Tambyahero/ You Tube  

Ito ang ilang komento na mga netizens na naantig sa kwento ng matanda:
"Kawawa naman si lola sna sa mga anak paalala lng wg natin hayaan mg isa ang ama o ina natin lalo kung tumanda na.tandaan natin na iisa lng ang magulang natin .kailangan habang buhay pa sila paramdam natin ung pgmamahal natin lalo ganyan na katanda.wg naman natin baliwalain kasi kung di dahil sa knila di tayo mabubuhay sa mundo..God bless po sa lahat.."

"Super bilib ako sa mga vloggers na nakakatulong talaga sa mga mahihirap nating kababayan..never kong papanoorin yang mga vloggers na panay sila lang ang masaya at ang mga bahay naglalakihan ..na hindi man lang mag share ng blessings nila na galing din naman sa netizen"


Source: Denso Tambyahero/ You Tube

No comments