Featured Post

Isang inang inaalagaan ng kanyang 8-taong gulang na anak sa kÙlungàn ng manok

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Kamakailan lang ay ipinalabas sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang kuwento ng isang inang inaalagaan ng kanyang 8-taong gulang na anak sa Antique. 

 

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Pagpatak ng umaga, diretso na kaagad ang batang si Lizette Calcaña sa kulungan ng mga manok upang pakainin ang ina niyang nakakulong dito. Mag-iisang taon na umanong nakakulong ang 33 taong gulang niyang ina na si “Maya,” hindi niya tunay na pangalan. 

 

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Ayon sa tiyahin ni “Maya” na si Erma Empin, mga manok ang tanging kasama nito sa kulungan. Si Lizette na rin ang naglilinis ng lugar ng kanyang ina at nagpapaligo rito. 

 

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Isang taong naging domestic helper sa Saudi Arabia si “Maya” at natapat siya sa mapang-abusong amo. Kuwento pa ng kanyang ama na si Gervacio, “Pagdating niya, nanibago na po ako. Sinasaktan daw po siya ng kanyang amo. Sinabi po niya sa akin na, ‘Buti Pa nakauwi pa ako ng buhay.’” Dagdag pa niya, kinulong daw nila si “Maya” dahil nananakit ito ng ibang tao. Masakit man daw sa kanyang damdamin, kailangan niya itong gawin dahil mahal niya ang kanyang anak. Minsan na raw nilang naikonsulta sa doktor si “Maya” subalit hindi na ito nasundan pa dahil hirap ng kanilang buhay. 

 

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Sa tulong ng programa, tila lumaya na si “Maya” mula sa pagkakakulong sa kulungan ng mga manok. Dinala nga siya sa West Visayas State University Medical Center. Ayon sa psychiatrist na si Dr. Sameon, ang kanyang working diagnosis sa babae ay schizophrenia. May gamot naman daw ito at may tiyansang maging functional ulit si “Maya.”

Hiling nga ng batang si Lizette: bumalik na sa dati ang kalagayan ng kanyang ina, makumpleto silang pamilya, at makapagtapos siya ng pag-aaral.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

No comments