Featured Post

Isang Beauty Queen ang lumuhod sa paanan ng kaniyang Ina na isang garbage collector para magpasalamat

Source: Mail online

Hinangaan ng mga netizens ang isang beauty queen mula sa Thailand nang lumuhod siya sa paanan ng kaniyang ina upang ipahayag ang kaniyang respeto at pasasalamat sa lahat ng ginawa at sakripisyong ginawa nito para sa kaniya.

 
Source: Mail online

Taong 2015 nang maiuwi ni Khanitta Phasaeng, na kilala rin bilang si Mint, ang korona bilang “Miss Uncensored News Thailand.”

 
Source: Mail online

Subalit dumating ang pagkakataong muntik nang bawiin sa kaniya ang korona matapos malaman ng kanilang pageant organization na nagsinungaling ang dalaga.     

 
Source: Mail online

Sa kaniya kasing application bago manalo sa naturang patimpalak, sinabi ni Khanitta na nakapagtapos siya ng grade school noong siya ay 17 taong gulang pa lamang. Ngunit nalaman nilang hindi pala talaga nakapagtapos si Khanitta ng high school dahil hindi naman siya nakapagpatuloy ng pag-aaral noong nasa ikatlong taon na siya ng high school.


 
Source: Mail online

Sa totoo kasing buhay, siya ay anak ng isang garbage collector. Minsan, sapat lamang ang kinikita ng kaniyang ina para sa kanilang pang-araw-araw na gastos. Ngunit kadalasan, wala raw talaga silang kinikita at dumating pa nga raw ang pagkakatong hindi sila nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.

 
Source: Mail online

Gayunpaman, hindi naman ikinakahiya ni Khanitta ang kaniyang pinagmulan. Sa katunayan pa nga ay inihandog niya ang nakamit niyang tagumpay sa kaniyang ina.
 
Sa kabila ng pagsisinungaling ni Khanitta sa kaniyang aplikasyon, nagdesisyon ang pageant organization na panatilihin sa kaniya ang korona dahil pinatunayan niyang nararapat talaga siya para dito, hindi lamang sa taglay niyang kagandahan – kung hindi ay dahil sa tinataglay niya ring kababaang-loob, kahabagan at pagmamahal sa kaniyang pamilya.
 
Source: Mail online

No comments