Featured Post

Food Panda Rider, taga-deliver ng masasarap ng pagkain, ngunit sardinas ang ulam.

Source: Lto alert 143 Bacolold

Maituturing na isa sa mga frontliners ang mga delivery man ngayon. Dahil sakanila nababawasan ang paglabas ng tao para bumili ng pagkain. Ngunit nalalagay rin sila sa alanganin na mahawa sa coronavirus dahil sa pag byahe nila sa magkakaibang lugar. Kaya naman malaking ang pasasalamat natin sakanila lalo na't pwede rin magpadala sakanila ng mga gamot.

Nauso na sa panahon ngayon ang mga nagtatrabaho sa mga food deliveries. Dahil sa mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas at pag-dine in sa mga fast foodchain o restaurant ay naging alternatibo na ang paggamit ng mobile app kung saan maaari kang umorder ng pagkain online at ide-deliver na sa bahay ang pagkain.

Ngunit kadalasan ay mga masasarap na pagkain ang kanilang idenideliver. Nakakadurog ng puso na tignan ang isang larawan na viral ngayon sa social media. Matapos ang pagdedeliver ni kuya ay makikita siyang kumakain sa ilalim ng puno habang ang ulam ay sardinas. 

Source: Lto alert 143 Bacolod

Source: Lto alert 143 Bacolod

Sa facebook page na "Lto alert 143 Bacolod" post makikita ang litrato ng food panda delivery man habang kumakain. Umani ito ng maraming reaksyon mula sa mga netizens

Hindi na alintana sa mga riders ang panganib sa kanilang pinasok na trabaho dahil hindi lamang sa kalsada kundi pati sa mga tao na nakakasalamuha nila ay may panganib na maaaring makuha lalo na sa kanilang kalusugan dahil hindi maiiwasan ang v1rus na kumakalat lalo na at humaharap sila sa iba’t-ibang tao.

Source: Lto alert 143 Bacolod

Nagpapasalamat kami ng marami sa tulad ni kuya. Mabuhay po kayo at sana malayo kayo sa kapahamakan.

Hindi naman maiwasan na maawa ang ilan sa nakitang larawan. Masarap din naman kung tutuuisin ang sardinas. Nagsilbing inspirasyon din ang rider na ito sa karamihan dahil para makaraos sa pang araw-araw ang pamilya, handa siyang tiisin ang lahat.

No comments