Featured Post

Video ng isang matandang lalaki habang buwis buhay itong sumusisid sa baradong kanal nag Trending

Source: Yncierto Rhoieyee Allan Saban
Para sa isang taong limitado ang kinikitang pera sa pang araw-araw, papasukin niya ang lahat ng trabaho upang kahit papaano ay maitawid ang pang araw-araw ng pangangailangan. Pandirihan man siya ng iba tao, mas pipiliin niya na lamang na huwag na itong pansinin upang maitaguyod ang kanyang Pamilya.

Ibinahagi ni Yncierto Rhoieyee Allan Saban ang video sa kanyang facebook account ang isang 37-second-video kung saan makikita ang isang matandang lalaki na sumisid sa isang baradong kanal upang ito ay linisan.

Source: Yncierto Rhoieyee Allan Saban

Mababasa rito ang caption na “TINGNAN; buw√≠s buhay napag sisid ng isang matanda sa baradong kanal . Sa hirap ng buhay kahit ano papasukin ni tatay para sa kanyang pamilya. Marangal na trabaho ngunit napakahirap para sa isang matanda tulad nya.”

Source: Yncierto Rhoieyee Allan Saban

Makikita sa video kung paano sumisid ang matandang lalaki ng walang suot na kahit anong proteksyon sa katawan; idagdag pa na marumi ang tubig sa nasabing kanal. Patuloy na pinapanood ng iba pang mga taong naroon ang ginagawang trabaho ng matanda. 

Source: Yncierto Rhoieyee Allan Saban

Tila hindi alintana ng matanda ang baho at dumi sa tubig dahil sumisisid pala siya para makuha ang mga basura na siyang nagiging sanhi ng baradong tubig at pag baha.

Source: Yncierto Rhoieyee Allan Saban

Komento ng isang netizen, “Kawawa mman si Tatay pero saludo ako sayo.. napakapalad ng iba ng mayroon pang mas madali na trabaho.. Pero parang mas delikado pa sa C0vid ang ginagawa mo Tatay”

Source: Yncierto Rhoieyee Allan Saban

Isa lamang itong patunay na hindi man pangkaraniwan para sa iba ang ginagawang trabaho ng ilang naghihirap, ipagpapatuloy pa rin nila ito para sa mga taong umaasa sa kanila at para na rin buhayin ang kanilang mga sarili.


Source: Yncierto Rhoieyee Allan Saban

No comments