Featured Post

Nakaka-awang sitwasyon ng isang lolong natutulog sa hagdan, mag-isang nagtitinda ng panggatong na kahoy para may makain

Source: Erika Salvador/Facebook

 Pinag-uusapan ngayon sa social media ang larawan ng isang matandang lalaki na nakaupo sa hagdan ng isang saradong tindahan habang natutulog sa tabi ng kalsada sa Tagumpay, Montalban.

Ayon sa uploader na si Ericka Salvador, palagi umano niyang nadaraanan ang lolo sa nasabing puwesto kahit pa na tirik ang araw. Dahil dito, nakaramdam daw siya ng awa para rito.

Source: Erika Salvador/Facebook

Isang araw ay naisipan niyang gisingin ang lolo upang tanungin kung bakit siya natutulog sa puwestong iyon. Ani ng matanda, wala raw siyang trabaho at doon na siya halos nakatira. Ang tanging hanap-buhay niya na lamang ay ang pagtitinda ng kaunting kahoy na panggatong.

Ang matanda ay 83 taong gulang na at siya ay nagmula talaga sa Quezon City. Nang balikan ni Salvador ang matanda kasama ng kanyang fiancé, inabutan nila ito ng makakain at kitang-kita umano sa mukha ng matanda ang labis na tuwa. Nanawagan naman ang netizen na kung makikita ng ibang tao ang lolo ay maabutan sana nila ito ng kahit kaunting tulong.

Source: Erika Salvador/Facebook

Nais ding magpasalamat ng matanda sa sundalong tumutulong sa kanya. Pagtatapos naman ni Salvador sa kanyang post, “At tingin ko kahit konti ,napangiti ko si tatay sa maliit na tulong ko sa kanya ang sarap lang sa pakiramdam na kahit maliit na tulong nakapagpangiti ako na tulad ni tatay na Mag-isa at nahihirapan sa ganon sitwasyon. GODBLESS SAYO TATAY

Source: Erika Salvador/Facebook

No comments