Featured Post

Nagtitinda pa rin ng tinapay ang matanda sa kabila ng kanyang edad, kahit pa minsan ay ninanakawan siya ng mga taong napapadaan sa kanyang puwesto

Source: Pinoy Formosa


Marahil ang ilan sa kanila ay mas pinipiling kumayod upang makatulong sa pamilya, samantalang ang iba naman ay tila nalimutan na ng kanilang mga anak. May ilang lolo at lola pa rin ang mas nalilibang sa tuwing sila ay may trabahong ginagawa. 

 
Source: Pinoy Formosa

Samantala, nananatiling positibo ang pananaw sa buhay ng isang 71 taong gulang na bulag na lola sa Bangkok, Thailand kahit na ilang beses na siyang nanakawan ng paninda.

Ayon sa ilang ulat, pagsapit ng alas siyete ng umaga ay nagsisimula nang magtinda ng tinapay ang matandang babae na kinilala bilang si Aunt Nid. Sa tuwing sinusuwerte, ubos na raw ang kanyang mga ibinebenta pagpatak ng alas kuwatro ng hapon. 

 
Source: Pinoy Formosa

Nagtitinda pa rin ng tinapay ang matanda, sa kabila ng kanyang edad, kahit pa na minsan ay ninanakawan siya ng ibang mga taong dumadaan sa kanyang puwesto. Nais pa rin daw ni Aunt Nid na makapag-ipon ng pera kaya patuloy pa rin siya sa pagtatrabaho. Ibinababa pa umano ng lola ang presyo ng kanyang mga paninda upang makabili ang mga taong kapos sa pera.

Inspirasyon naman ng ilan ang matanda upang harapin at hindi magpatinag sa hamon ng buhay.

Source: Pinoy Formosa

No comments