Featured Post

Isang amang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, tatlo niyang mga anak nagtapos bilang mga cum laude

Source: Ramil Montalbo/ Facebook


Nag-trending sa social media ang kuwento ng isang mangingisda na si Ramil Montalbo matapos magtapos bilang cum laude ang kanyang mga anak. Hindi umano nakapagtapos ng pag-aaral ang amang mula sa Iloilo. Nais niya noong maging isang sundalo subalit hindi ito natupad dahil kapos sila sa salapi. 

 
Source: Ramil Montalbo/ Facebook 
 
Dagdag pa rito, tutol rin umano ang ama ni Montalbo sapagkat nahahati ang kita nito mula sa pangingisda para sa kanyang pag-aaral at sa gastusin nilang mag-anak. Madalas nga raw silang magtalo at nagdesisyon siyang huminto na lamang sa pag-aaral. 

 
Source: Ramil Montalbo/ Facebook 

Ipinangako naman niya sa kanyang sarili, nang magkaroon siya ng sariling pamilya, na hindi niya ipagkakait sa kanyang mga anak ang edukasyon. Pagsisikapan niyang tugunan at pag-aralin ang kanyang mga anak. 

 
Source: Ramil Montalbo/ Facebook 

Nagbunga ang lahat ng kanyang paghihirap at sakripisyo dahil ang tatlo niyang mga anak – dalawang babae at isang lalaki – ay pare-parehong nagtapos ng pag-aaral bilang mga cum laude.

Umani naman ng papuri mula sa mga netizens ang butihing ama.

“Yan ang responsableng ama ng tahanan at ulirang mmamayan at asawa tap yourself in the back and job well done tatay”

“Congratulations po Sir at sa mga anak na ginawa nila ang kanilang magulang na “proud parent” GOD Bless po.”

“Congrats sa tatay na masikap at sa mga anak na nagbigay ng halaga sa pagsusumikap ng kanilang ama…”

Source: Ramil Montalbo/ Facebook

No comments