Featured Post

Usap-usapan sa social media ang post kung saan pinakasalan ng isang lalaki ang kaniyang dalawang bride.






Source: New You Photography/ Facebook

Sa Facebook page ng “New You Photography,” ibinahagi ang mga larawan ng dalawang masayang bride kasama ang kanilang nag-iisang groom. Ayon pa rin sa mga litrato, “Omar and 2 Wives” ang nakalagay sa reception area ng mga ito. 

 
Source: New You Photography/ Facebook

Kung sa iba ay hindi pangkaraniwan ang ganitong uri ng kasalan, kapansin-pansin namang normal ito dahil ang mga ikinasal ay nabibilang sa kultura ng mga Muslim. Isa kasing “tradisyon” para sa kanila na maaaring magkaroon ng higit pa sa isang asawa ang lalaking Muslim. 

 
Source: New You Photography/ Facebook

Gayunpaman, marami pa ring mga netizens ang tila walang kaalaman tungkol dito – may ibang hindi nakaunawa at pinagtawanan pa ang nasabing kasal. Dahil dito, marami ring mga netizens ang pumuna sa mga komentong ito at hiniling na bigyang-respet0 ang nasabing kulturà. 

 
Source: New You Photography/ Facebook

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“It’s their culturè. We should understand and respect it so that they will do the same thing to us.”

“Kung nakinig lang kayo sa mga klase niyo, mas maiintindihan n’yo kung bakit ganyan ‘yung sitwasyon nila. Nakakahiya ‘yung iba. May pa’haha pa. Irespeto sana natin ‘yung kultura ng mga kababayan nating Muslim at wag maging ign0rante.” 

 
Source: New You Photography/ Facebook

“Kaya hindi magkakaroon ng pagkakasundo eh… simpleng kultura ng mga kababayan nating MusIim, pinagtatawanan. Masyadong mga pabibo. Intindihin nyo ang kultura nila. Naisulat yan sa history books. Hays.” 

Source: New You Photography/ Facebook

No comments