Featured Post

Tindero ng prutas na PWD, nanlumo nang mabayaran ng pekeng P1,000 ng isang customer

Source: Kristien Javina/ Facebook

Isang netizen na si Kristien Javina ang nagpost sa kanyang facebook page tungkol sa tiyo niyang naglalako ng prutas na nabayaran umano ng pekeng ₱1,000.

Ibinahagi ni Kristien na bukod sa PWD ang kanyang tiyo ay senior citizen pa ito. Kaya naman nakakapanlumo na nagawa pa umanong lokohin ng isang customer ang kanyang tiyo.

 
Source: Kristien Javina/ Facebook

Mula sa post ni Kristien sa kanyang page, bandang 11 ng umaga sa araw ng Pebrero 7, nang bumili ng isang kilong saging na nagkakahalaga ng ₱80 ang customer at huli na ng malamang nagbayad umano ng pekeng isang libong piso ang naturang customer.

 
Source: Kristien Javina/ Facebook

Sobra namang nanlumo ang matandang PWD dahil sa kabila ng kanyang sitwasyon, patuloy parin siyang naglalako sa kadahilanang may lima siyang mga anak na binubuhay.

 
Source: Kristien Javina/ Facebook


Kaya naman hindi na naiwasang ibinahagi ni Kristien ang nangyari sa kanyang tiyo na umaasang maibalik ang sukling naibigay nito.

Matapos maibahagi ng pamangkin  ang nangyari ay laking gulat nito dahil sa dami ng nakakita ng kanyang post at marami rin ang nagpaabot ng tulong sa kanyang tiyo.

 
Source: Kristien Javina/ Facebook

Iniabot naman agad ni Kristien ang mga tulong na nalikom mula sa mga netizens na may mabubuting puso sa kanyang tiyuhin.

Makikita sa mga larawan ang kalagayan ng kanyang tiyo pati na rin ang pamilya nito para malaman ng netizens ang hirap ng sitwasyon ng pamilya ng vendor na sana'y hindi na nakaranas ng panlolok0.

Laking pasasalamat si Kristien sa mga nagpahatid ng tulong sa kanyang tiyo dahil malaking bagay ito sa pamilya nito.

 Source: Kristien Javina/ Facebook

No comments