Featured Post

Tatlong magkakapatid na ulila pinasasaluhan ang asin, toyo at niyog para maibsan ang kumukul0ng sikmurà

 

Source: Jopay De Guia/ Facebook

Umantig sa mga netizens ang larawan ng magkakapatid na pinagsasaluhan ang asin, toyo at niyog upang maibsan ang kanilang gutom.

 

 
Source: Jopay De Guia/ Facebook


Ayon sa Facebook post ng netizen  na si Jopay De Guia, lumalaot daw sila minsan para manghuli ng isda upang mayroon silang makain. Ngunit, may mga pagkakataon din umanong wala talagang makain ang magkakapatid at tinitiis na lang ang gutom. Kaya pinagsasaluhan nila ang niyog, toyo at asin para maibsan ang nararanasang gutom.

 
Source: Jopay De Guia/ Facebook

Kuwento pa ni De Guia, pumanaw na ang ama ng magkakapatid noong Agosto 17, 2020 at sumama naman sa ibang lalaki ang kanilang ina. Kuha ang mga larawan ng mga bata sa Bicol, Purok IA, Barangay San Roque, Mercedes, Camarines Norte.

 
Source: Jopay De Guia/ Facebook


Narito ang post ni De Guia:
“Eto po ung mga bata n Wala ng mga magulang salon salong kumakain ang ulam ay nyog at soy sauce lang minsan asin kong minsan nmn wla po tlgng makain nag titiis nlng ng gutom.. bukod tanging nag hahanp buhay lang sknla ay nkktndang kptd nila sa murang edad sumasabak n sa pag lalaot s dagat …ang kanilang ama ay kakamatay lang nong August 17, 2020 ang kanilang ina nmn po ay sumama na sa kabit
Wish kolang po n sana my mabuting puso na mtulongan po ang mag kakapatid nato dhl d nmn po sumasapat ang tulong nmin mag kakapit bahay
Address- Bicol purok IA brgy San roque Mercedes Camarines norte..Contact number-09385153341”
 


 
Source: Jopay De Guia/ Facebook
Source: Jopay De Guia/ Facebook

No comments