Featured Post

Taon-taon lumalangoy ng 8,000 kilometro ang isang penguin upang makita lang ang lalaking nagligtas sa kanya

Source: Wall Street Journal/ You Tube


Nagtagpo noong 2011 ang isang penguin at isang lalaking nagngangalang Joao Pereira de Souza, 73 taong gulang. 

  

Source: Wall Street Journal/ You Tube

Ayon sa “Goodtimes,” nakita ni de Souza ang nasabing penguin sa isang dagat sa Barzil. Nababalutan daw ito ng makapal at kulay itim na langis. Naawa raw siya rito kaya niya ito iniligtas. Iniuwi niya ito at nilinisan; inalagaan hanggang sa ito ay gumaling. Muli niya itong ibinalik sa dagat nang masigurong malakas na ang penguin. 

 
Source: Wall Street Journal/ You Tube 

Hindi raw inakala ni de Souza na ang pagsagip niya sa buhay ng penguin ay ang pagsisimula na pala ng kanilang pagkakaibigan. Makalipas daw kasi ng isang taon ay bumalik ang penguin sa tahanan ng lalaki upang siya ay bisitahin. 

Source: Wall Street Journal/ You Tube

Naglalakbay taon-taon ang nasabing hayop nang halos 8,047 kilometro para lamang masilayan si de Souza. Napamahal na rin ang lalaki sa penguin at pinangalanan niya itong “Dindim.” 

Source: Wall Street Journal/ You Tube 

Nananatili umano si Dindim ng walong buwan kada taon sa piling ng lalaki. Pagkatapos nito, saka na ulit siya maglalakbay patungo sa Argentina at Chile para sa breeding season. 

Source: Wall Street Journal/ You Tube  

Isa itong patunay na hindi lang sa tao natatagpuan ang tunay na pagkakaibigan; maaari rin itong makita sa mga hayop.


Source: Wall Street Journal/ You Tube 

No comments