Featured Post

Retired Teacher na nagpa-0perà, nakatanggap ng reseta na nagpaiyak at nakaantig sa kanyang puso

Source: Virginia Padilla Roble/ Facebook

Hindi biro ang trabaho ng isang guro – sila ang tumatayong pangalawang magulang ng mga bata sa loob ng paaralan. Sila ang humuhubog sa talino at talento ng bawat mag-aaral. Ngunit sa paglipas ng panahon, patuloy pa rin ba silang naaalala ng kanilang mga naging estudyante, lalong-lalo na ang mga aral na ibinahagi nila sa mga ito? 

 
Source: Virginia Padilla Roble/ Facebook

Nakatanggap ng reseta ang isang retired teacher na nagpa-opera na siyang dahilan kung bakit siya napaiyak. 

Source: Virginia Padilla Roble/ Facebook

Kamakailan lang ay naaksidente ang ginang na si Virginia Padilla Roble. Dahil dito, isinugod siya sa Perpetual Succour Hospital sa Cebu City, kung saan ay nakapagtamo siya ng sugat at bali sa kaliwang braso. Dito, ang doktor pala na nag-alaga sa kanya ay si Dr. Dilbert Monicit na naging estudyante niya noon. 

 
Source: Virginia Padilla Roble/ Facebook

Nang mabuti na ang kalagayan ni Roble at nakatakda nang lumabas, binigyan siya ng note ng isang nurse sa nasabing ospital. Nakasulat sa isang prescription paper standard format ang naturang note kung saan ilan lamang sa nakasulat dito ay ang katagang: “Dear MDM ROBLE, PROFESSIONAL FEE – PAID 22 YEARS AGO (ONE OF MY FAVORITE TEACHER!).” Ito rin ay pirmado ng dati niyang estudyante na si Monicit.

Labis umano ang naging saya ng dating guro dahil makalipas ang ilang taon ay naaalala pa rin siya ng batang minsan niyang tinuruan.

Source: Virginia Padilla Roble/ Facebook

No comments