Featured Post

Namamalimos na PWD, ibinigay lahat ng nalikom niyang pera at ibinigay sa simbahan kahit na mahirap ang kanyang pamumuhay

Source:Jazz Pher Justo/ Facebook

Minsan kung sino pa ang walang-wala ay sila pa ang may mabubuting puso na tumutulong sa kapwa. Kung sino pa ang kàpos ay siyang handang ibigay ang lahat ng meron sila.

Kaya naman hindi batayan ang estado ng buhay ang pagtulong ng isang tao sa ibang mga nangangailangan. Lalo na kung ito ay mula sa puso siguradong makapagbibigay ng kaligayahan at inspirasyon sa iba.

Source:Jazz Pher Justo/ Facebook

Tulad na lamang ng isang matandang may kapansanan na hinangaan ng marami ang ginawang kabutihan. Tanging ang panlilimos lamang sa lansangan ang kayang gawing ng matanda. Wala siyang pagdalawang-isip na ibigay ang lahat ng kanyang nalimos sa simbahan.

Source:Jazz Pher Justo/ Facebook

Ang bukod tanging matanda ay nakilala bilang si Mang Romy, isang Person With Disability (PWD). Ang buong nalikom niyang pera mula sa kanyang pamamalimos ay umabot sa halagang P6,000 sa isang simbahan sa Antipolo City, ay kanyang ibinibigay sa simbahan kahit pa na mahirap ang kanyang pamumuhay.

Mula sa post ng netizen na si Jazz Pher Justo sa kanyang social media account, hindi talaga hadlang ang kapansanan at estado sa buhay para makatulong sa kapwa. Nag donate po siya sa St. Vincent Church sa Brgy. Mambugan Antipolo City ng mga naipon din niya sa palilimos na nagkaka halagang 6k.

Napag-alaman na isa rin si Mang Romy sa mga nagpaabot ng tulong sa mga taong naapektuhan ng mga nagdaang mga bagyo.

 
Source:Jazz Pher Justo/ Facebook

Narito ang kabuuan ng post ni Justo:
"Hindi talaga hadlang ang kapansanan at estado sa buhay para makatulong sa kapwa.

Si Mang Romy na isang PWD (Stroke Patient) last month nagtungo sa Cityhall ng Marikina para personal iabot ang kanyang naipon sa palilimos na 12,000+ tulong nya ito sa mga taga Marikina na nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Ngayon naman po nag donate po siya sa St. Vincent Church sa Brgy. Mambugan Antipolo City ng mga naipon din niya sa palilimos na nagkaka halagang 6k., si Mang Romy ay umattend ng Simbang Gabi at personal din nya ibinigay sa Pari ang kanyang mga naipon galing sa palilimos.

Kahanga hanga po talaga si Mang Romy kahit po meron siyang karamdaman at hirap din sa buhay ay patuloy parin ang kanyang pagmamalasakit sa kapwa."

Source: Jazz Pher Justo/Facebook

No comments