Featured Post

Nahukay ng isang residente ang daan-daang Japanese money sa Negros Occidental!

Source: Kapuso mo Jessica Soho  

Ibinahagi ni Carlito Gajo sa Facebook page na “Kapuso mo Jessica Soho” ang tungkol sa nahukay niya umanong mga Japanese money. Nabigyan daw siya ng pag-asa nang matagpuan ang mga ito sapagkat baon ang kanilang pamilya sa utang. Idagdag pa raw na may malalang karamdaman ang kanyang misis.

Source: Kapuso mo Jessica Soho

Ani Gajo, “Nakahukay ako ng kahon na may laman na pera ng Japanese government. Sana may halaga ito para matustusan sa pagpapagamot ang misis ko na mayroong lupus. Kinabahan ako at umiyak ako. Sabi ko baka ito na suwerte ko na makaahon ako sa kahirapan.”
 
Source: Kapuso mo Jessica Soho 

Naitampok nga sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang pagkatuklas ni Gajo sa nasabing mga pera. Sa tulong ng programa, nalaman niya ang tunay na halaga ng mga salapi. Ayon kay Modesto Saunoy, isang historyador at mamamahayag, tinatawag na JIM o Japanase Invasion Money ang mga nahukay na pera na siyang ipinakalat ng mga Hapon sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II).

Source: Kapuso mo Jessica Soho  

Pahayag naman ng isang eksperto sa pera, maituturing na bilang “collector’s item” ang mga perang ito na maaaring magkahalaga ng P50 hanggang P100 bawat piraso. Subalit, mapapansing hindi na maayos ang kondisyon ng mga pera kaya nasa P20 na lamang ang halaga nito.
 
Source: Kapuso mo Jessica Soho   

Nakapagbenta na rin umano si Gajo ng isang dilaw na barya kung saan ay nakuha niya ang bayad na P22,100 mula rito. Isa pala itong Alfonso gold coin na ang halaga ng bawat piraso ay nasa P30,000 hanggang P50,000 na maaari pang umabot sa halagang P600,000 hanggang P1,000,000.
 
Source: Kapuso mo Jessica Soho

Gayumpaman, natuwa pa rin ang pamilya ni Gajo dahil sinagot na ng programa ang isang buwang pagpapagamot ng kanyang misis.

 

Source: Kapuso mo Jessica Soho 

No comments