Featured Post

Naglalakad ng 20 kilometro araw-araw ang isang 80 taong gulang na lolo para lamang makapagtinda ng bagoong

Source: Web Feeds
 
Kinilala ang matanda bilang si Manong Lauro na naglalakad ng 20 kilometro mula sa kanyang tahanan sa Bitukang Manok hanggang sa Real de Cacarong para lamang makapagbenta ng bagoong. 
 
 
Source: Web Feeds

Kumikita si Manong Lauro ng P50 sa bawat timba ng bagoong. Mas pinipili na lamang daw niya ang maglakad kaysa sa sumakay sa pampublikong sasakyan tulad ng jeep dahil paniguradong dito lamang daw mapupunta ang mga perang kanyang kinita. 
 
Source: Web Feeds

Matapos mag-viral ng kanyang kuwento sa Facebook , maraming netizens ang nagsabing sa edad na iyon ng lolo ay hindi na dapat siya nagbubuhat ng timba ng bagoong at naglalakad ng 20 kilometro araw-araw para lamang kumita. Idagdag pa raw na ang minimum wage sa Bulacan area ay nasa P300. 
 
 
Source: Web Feeds

May ilan namang netizens ang nagkomento na hanga sila sa ginagawang pagtatrabaho ng naturang matanda. Mabuti pa raw siya at nagtatrabaho pa rin, kaysa sa ibang taong tamad kahit kompleto naman ang parte ng katawan at mas malalakas. 


Source: Web Feeds

Ang mga kagaya ni Lolo Mauro ay dapat na nagpapahinga na lamang; ngunit sa kanyang kaso, patuloy pa rin siya sa pagkayod para mabuhay.

No comments