Featured Post

Matandang lalaki ang inakalang isang pulubi at mamamalimos sa isang pawnshop ay nagpadala pala ng pera sa kanyang mga anak

Source: Del Heartman RCrim   

 Madalas nating husgahan ang ating kapwa base sa kanyang panlabas na kaanyuan, kung saan ay tila hindi na natin sinusubukan alamin ang tunay na kuwento. Pinaniniwalaan natin ang isang bagay base lamang sa ating nakikita at naririnig.

 
Source: Del Heartman RCrim

 Tulad na lamang ng isang matandang lalaki na inakalang isang pulubi at mamamalimos lamang sa isang pawnshop. Ngunit sa katunayan, nagpadala pala siya ng pera sa kanyang mga anak.

 
Source: Del Heartman RCrim  
 

Makikita ang lalaki malapit sa isang pawnshop – suot ang maruming damit at talagang sasabihin ng ibang tao na isa siyang pulubi. Marahil ay nahalata niya na tila hinuhusgahan siya ng ibang tao kaya siya ay tumayo at nanatili sa isang sulok ng nasabing sanglaan.

 
Source: Del Heartman RCrim  
 
Lingid sa kaalaman ng iba pang mga taong naroon, ang naturang matanda ay isa palang ama na nagpadala ng pera para sa kanyang pamilya. Kumakayod umano ito upang kahit papaano ay matugunan at masuportahan ang pangangailangan ng kanyang mga mahal sa buhay. Nakaramdam daw ng hiya ang mga taong nanghusga sa kanya nang malaman ang tunay niyang kuwento.
 
 
Source: Del Heartman RCrim 

Isa lamang ang kuwentong ito na nabubuhay tayo sa mundong mapanghusga. Masabi man natin ang totoo, iilan lamang ang maniniwala rito. Gayunpaman, mahalaga pa ring makita at marinig ang iba’t ibang panig upang malaman natin kung ano ba ang aksyon na dapat nating gawin. 

Source: Del Heartman RCrim

1 comment:

  1. Nakaka.awa nmn xa buti nga xa kumakayod kahit hirap ung iba maka tyempo lng magnanakaw lng....sa anak ni tatay
    Sana kayo ung tumulong xa kanya kasi matanda na c tatay....

    ReplyDelete