Featured Post

Isang tinderang Lola sa Cainta ang nabiktima ng pekeng pera sa ikatlong pagkakataon

Source: Bayan Mo, iPatrol Mo

Sa panahon ngayon kahit may pandemiya, kailangan maghanap-buhay para sa pamilya. Minsan kahit may edad na ay hindi na nagiging alintana para kumita para sa pang-araw araw.

Katulad na lamang ng lola sa Cainta, Rizal na patuloy ang paghahanap buhay sa kabila ng pandemiya para may maipangtutos sa kanilang pamumuhay. Ngunit sa kabila ng pagtiyatiyaga niyang maghanap buhay ay mayroon mga masasamang loob na lumalamang pa sa kanilang kapwa. 

 
Source: Bayan Mo, iPatrol Mo

Kamakailan lang ay nag-trending ang post ni Bayan Patroller Mylyn Tupas mula sa Cainta, Rizal para sa kanyang kapitbahay na si Lola Luisa 'Liza' Fineza, may edad na 76 na taong gulang, na nabiktimà pa ng pekeng pera sa ikatlong pagkakataon nitong ika-15 ng Marso ngayong taon.

 
Source: Bayan Mo, iPatrol Mo
 
Pahayag ni Mylyn na nakita niya kung gaano nanlumo sa lungkot si Lola Liza, kaya naisipan niya itong ipost sa social media, sa paghahangad na makita ito ng nagbayad ng pekeng pera kay lola.

Source: Bayan Mo, iPatrol Mo

Narito ang kanyang pahayag: 

“Naawa po kasi ako kay Nanay kasi hindi siya naka bili ng kakanin dahil yung ibabayad niya sa hinanguan niya ay peke pala.”

“Dun sa mga gustong manloko sa mga tindera na hindi kalakihan ang puhunan wag naman nilang uulitin ulit yung ginawa nila sa akin...Nagpapakahirap po ako maski ako ay may edad na nagsusumikap pa rin ako maghanap buhay.”

Source: Bayan Mo, iPatrol Mo
 
Mula sa panayam ng Bayan Mo, iPatrol Mo kay Lola Liza ibinahagi niyang kinakailangan niyang magtrabaho para may pantustos siya sa kanyang pang araw-araw. Mayroon siyang sinusuportahang tatlong apo.
Umaabot lang ng 200 hanggang 300 pesos ang kita nya kaya bawat piso sa kanyang benta ay mahalaga. 

Source: Bayan Mo, iPatrol Mo

No comments