Featured Post

Isang matandang lalaki put0l ang paa ngunit patuloy pa rin sa pagtitinda ng sampaguita kahit na bumubuhos na ang ulan

Source: Justine Manlapas Novio /Facebook

Gaano man kahirap ang buhay, pinipili pa rin ng ilan na magtrabaho – sa panahon man ng tag-araw o tag-ulan. Hinaharap nila ang lahat para lamang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Tila wala silang ibang pagpipilian kung hindi ang magtrabaho dahil sino ba naman ang tutulong sa kanila sa panahon ng kagipitan? 

 
Source: Justine Manlapas Novio /Facebook

Hindi naman umano puwedeng iasa na lang sa iba ang bawat gawain. Kahit mahirap ang buhay, kahit may iniinda mang karamdaman o kapansanan, kailangan pa ring kumayod para may maipakain sa kumakalam na sikmura at para kahit papaano’y kumita. 

 
Source: Justine Manlapas Novio /Facebook

Trending ngayon sa social media ang larawan ng isang lalaking putol ang paa na patuloy pa rin sa pagtitinda ng sampaguita kahit pa na bumubuhos na ang ulan. Makikita sa larawan na nakalagay sa braso ng lalaki ang panindang mga bulaklak habang siya ay nakasaklay. Tila pinupunasan niya rin ang kanyang mukha dahil nababasa na ito ng tubig-ulan. 

Source: Justine Manlapas Novio /Facebook

Nagbigay naman ng saloobin ang mga netizens patungkol sa kalagayan ng naturang lalaki.

“Nadurog puso Ko saludo po Ako sayu kuya kahit may kapansanan Ka ruma raket Ka Sa pa ano mkain lng araw2 sana matulugan Ka kagaya mo kuya saludo po Ako sayo godbless poh kuya keep safe always”

“Isang patunay lng po na hindi hadlang ang kapansanan sa taong matyagang mag hanap buhay ng marangal para sa kanyang pamilya”

“Yan ang dapat tularan, hindi sumusuko sa hirap ng buhay, buo ang pag-asa at pananampalataya sa Dios kahit kulang ang physical, Amen!”

“Masipag ka kuya kahit may kapansanan ka, SALUTE YOU KUYA. Di katulad ng iba kumpleto ang katawan pero tamad kain tulog dr0ga sàb0ng.”

Source: Justine Manlapas Novio /Facebook

No comments