Featured Post

Isang matandang lalaki 40 taong pasàn-pasàn ang buk0l sa kanyang likod na may bigat na 10 kilo

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Ipinalabas sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang kuwento ng hirap na pinagdadaanan ng isang matandang lalaki sa Talisay, Camarines Norte. 

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Sa loob ng 40 taon, pasan-pasan na ni Jesus De Mata ang bukol sa kanyang likod na may bigat na 10 kilo. Hindi rin umano siya nakatatagal sa pag-upo; pahiràp din sa kanya kung paano siya hihiga sa pagtulog. Ang asawa naman niyang si Florentina ang siyang bumibili ng kanyang mga damit sa ukay-ukay dahil pahirapan ang paghanap ng mga damit na magkakasya sa kanya. 

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Hinala ni Jèsus, ang buk0l niya sa likod ay bunga ng pagtatrabaho niya noon sa koprahan kung saan ay sako-sakong maiinit na kopra ang kanyang binubuhat. Nagpatingin naman daw siya noon sa heàlth center kung saan ay singliit pa lamang ng kalamansi ang kanyang buk0l; binigyan naman siya ng tabletas ngunit wala itong epekt0. Nang magtungo sa albulary0, may kung anong likid0 umanong itinurok sa kanyang likod na pinaniniwalaang nagpalala lamang sa kanyang kalagayan. 

 
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Tatlo sa apat nilang anak ay may sarili nang pamilya; ang anak nilang si Noli ang naiwan sa kanila na suma-sideline sa pag-aalaga ng baboy. Pabalik-balik din ang ubo ni Florentina. Kaya naman, inako na ni Jesus ang ilang gawain para matulungan ang pamilya at mabuhay. 

 
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Nang maipatingin ng programa ang kalagayan ng matanda, napag-alamang ito ay lipoma. Ayon sa General Surge0n na si Dr. Emmanuel Enesio, “Kalimitan ang mga lip0ma ay kusang tumutubo sa mga taba, sa likod, extremities at wala namang iba kung ‘di abn0rmàlities lang ito ng isang taba na lumalaki ng paunti-unti.”

 
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Subalit nakitaan umano si Jèsus ng Abd0minal A0rtic Anèurysm, kung saan ang isang ugat na mula sa puso papuntang tiyan ay lumaki at anumang oras ay puwedeng pumutok. Ang laman daw nito ay isang malaking pressure ng dugo. Mas mainam daw na pagtuunan ng pansin ang nasabing ugat bago ang bukol. Nakitaan din ng tuberculosis ang asawa ng matanda.

“Pinapanatag ko lang loob ko, tutal umabot na nga kami ng pagtanda. Malaki-laki man ang ibinigay ng Pangin0on sa amin na buhay, basta’t naisip ko ‘pag namàtay ako, patày siya. ‘Pag ilibing sa akin, kasama ko siya,” ani Jesus.

 

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

No comments