Featured Post

Isang bata ang nagbenta ng kanyang mga medalyang nakamit sa pag-aaral para matulungan ang kaniyang ina

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho


Ipinalabas sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang pagbebenta ng isang siyam na taong gulang na bata sa kanyang mga medalya para may maipambili sila ng pagkain.

Ipinagbibili ng grade 4 pupil na si Kenneth ang kanyang mga pinaghirapang medalya upang may maipambili sila ng kanilang makakain. Dahil sa kasalukuyang pandemya, nawalan ng trabaho ang kanyang ina. 

 
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho
 

Aniya, “Nahihirapan po ako no’ng nahihirapan po din si mama. Iniisip ko lang po, kung makakabayad pa ba kami ng bahay kasi po, ‘pag hindi pa kami nakabayad, papalayasin po kami dito. Naisip ko po, ibenta ko po ‘yong mga medals ko. Kasi ‘pag pinatagal ko pa po dun sa lagayan, baka po mangalawang. Pinaghirapan ko po ‘yon. Gusto ko po ibenta kasi po nahihirapan na si mama ng sobra.” 

 
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Isang security guard at housekeeper ang ina ng bata na si Cherryl Mendoza. Dahil sa krisis kaya siya nawalan ng trabaho at nabaon na rin sa utang. Mag-isa niyang itinataguyod ang dalawa niyang anak. Masakit daw para sa kanya na hindi niya matugunan ang pangangailangan ng mga ito. 

 
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Hindi pa raw sigurado si Cherryl kung makakapag-aral sina Kenneth ngayong panuruang taon dahil mas prayoridad daw niya ang kanilang makakain kaysa sa mga gadgets. Dahil dito, naantig ang puso ng mga netizens at ang iba sa kanila ay nagpaabot ng tulong kabilang na sina Pinky Menor Encapas at Dr. Khristian Santos. 

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho


Ayon kay Encapas, “Ramdam ko po ‘yong awa sa bata kasi, nakita ko po, naramdaman ko po bilang isang ina. May mga anak po ako na ayan, marami po silang medals. Napakahalaga po sa kanila ‘yong medal. Sabi nga po ng mga anak ko, kayamanan namin ito na hindi mawawala.” 

 

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

No comments