Featured Post

Isang ama ang nag-iipon ng barya upang paghandaan ang operasyon ng kaniyang anak na may sakit

Source: Jenny Sumalpong / Facebook

Lahat ay gagawin ng isang ama para sa kapakanan ng kaniyang anak.
    Pinag-usapan ng mga netizens ang kuwento ng isang amang nag-iipon upang paghandaan ang operasyon ng kaniyang anak na may sakit.

 
Source: Jenny Sumalpong / Facebook 

    Nag-viral ang larawan ni Jeric Aquino Treste kung saan makikitang nagbibilang siya ng napakaraming barya. Ang mga ito raw ay gagamitin niya upang matuloy ang operasyon na isasagawa sa kaniyang anak na si Zhianna Ezra Treste, o si “Baby Esang”, na mayroong sakit sa atay.

 
Source: Jenny Sumalpong / Facebook

P-in-ost ni Jenny Sumalpong ang nasabing larawan ng mag-ama. Dahil dito ay nakalikom ng tulong sina Jeric para sa gagawing operasyon kay Baby Esang.
    Ang pag-post daw ng kanilang larawan ang naisip na paraan ni Jenny upang makatulong sa liver transplant na isasagawa kay Baby Esang. Lumikha rin sila ng isang Facebook page upang maidokumento ang mga pangyayari kay Baby Esang.

 
Source: Jenny Sumalpong / Facebook

    At kung noon ay tila walang sigla at mayroong matinding ubo na dinaramdam, sa kabutihang palad ay masigla at tumatawa na sa kasalukuyan si Baby Esang.

Source: Jenny Sumalpong / Facebook

    Nakatutuwang isipin na kahit sa simpleng paraan – gaya ng pag-post sa social media – ay naipagkakaloob sa kanila ang tulong na mula sa mga taong mabubuti ang puso. Nagsisilbi itong daan upang maipaabot ng mga tao ang kanilang tulong sa mga tunay na nangangailangan.

Source: Jenny Sumalpong / Facebook

No comments